Zeus unang milyonaryo sa ‘Minute to Win It’

January 10, 2019
Zeus Collins
Zeus Collins

ANG ex-PBB housemate at member ng all-male dance group ng “It’s Showtime” na Hashtags na si Zeus Collins (Arellano), 25, ang kauna-unahang contestant ng balik-TV  for its new season na “Minute to Win It” game show hosted by Luis Manzano ang nakakuha ng P1-M last Wednesday.

Bago sumalang si Zeus sa “Minute to Win It” ay nagdasal at umasa siya na mapanalunan ang P1-M prize para mapatapos na niya ang ipinagagawang bahay for his parents in Rizal na mahigit isang taon nang nakatengga. Dininig ng Diyos ang kanyang panalangin at napagtagumpayan niya ang assigned task na kailangan niyang tapusin in one minute.

Isang mananahi ang ina ni Zeus at electrician naman ang kanyang ama. Dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral para makatulong na rin sa kanyang pamilya.  Tulad ng ibang mga anak, gusto rin ni Zeus na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya bago ang kanyang sarili.