Zia Dantes, aliw sa pagtulong kay Marian sa gawaing bahay

July 11, 2020
Zia Dantes
Zia Dantes

ANG sarap panoorin ng latest video ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kung saan makikitang isa siyang proud mom sa masipag niyang panganay na si Ate Zia.

Sa IG story ng aktres, ipinakita niyang naghuhugas ng kubyertos ang anak na naka-suot pa ng cute na pink apron. Marami ang humanga kay Marian sa paggamit ng panahon na ito para turuan ang mga anak niya ng mga gawaing bahay.

Matatandaang ikinuwento ni Marian sa nakaraang guesting sa online All-Out Sundays show na may sistema silang sinusundan ngayon sa bahay, "Dinivide namin 'yung araw into three. So halimbawa sa morning, time for learning. Tapos sa afternoon, time for play. Tapos sa gabi, 'yan na 'yung bonding namin."