Zia ginagaya si Marian

December 06, 2018
Zia and Marian Rivera
Zia and Marian Rivera

NAKATUTUWA ang three-year-old daughter ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia (Maria Letezia) dahil ito mismo ang nag-request sa kanyang parents na gusto na niyang magpagupit sa kanyang Tita Celeste (Tuviera) ng Symmetria Salon at nagpalagay din siya ang bangs tulad ng kanyang mommy.

Sinamahan mismo nina Dingdong at Marian si Zia sa first hair cut nito sa shop ni Celeste at excited itong makita ang una niyang gupit at pagkakaroon ng bangs.  Si Dingdong din mismo ang unang gumupit ng maliit ng bahagi ng buhok ng anak.

Sa isang taon ay ganap nang ate si Zia kapag lumabas na ang kanyang magiging baby broher.

Sa kabila ng pagiging busy pareho nina Dingdong at Marian sa kanilang respective careers, they still consider themselves as hands-on parents to Zia na gagawin din nila sa kanilang second baby.

Si Dingdong ay napapanood ngayon sa  primetime TV series na “Cain at Abel” na pinagsasamahan nila ni Dennis Trillo along with Solenn Heussaff at Sanya Lopez, at si Marian naman ay napapanood pa rin sa “Sunday Pinasaya” habang  pinaghahandaan nito ang nalalapit na panganganak.