Zia, nagnakaw ng eksena

November 26, 2018
Ding Dong Dantes & Marian Rivera

Simple ang gender reveal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng second baby nila via video sa Youtube at isinabay sa The Color Run Tour. Isinulat lang ni Marian sa blue powder na ginamit sa fun run at ’yun na!

Nakaw-eksena rin ang  pagsigaw ni Zia ng “I’m ate naaa!” habang nasa Hongkong Disneyland sila para i-celebrate ang 3rd birthday ni Zia.

’Katuwa ang fans nina Dingdong at Marian dahil inunahan na nila ang mag-asawa sa magiging pangalan ng  kanilang baby boy. Jose Sixto Gracia Dantes IV daw ang magiging pangalan ng baby.

Naalala naming nabanggit ni Marian na si Dingdong ang pipili ng pangalan ng baby boy nila at may napili na raw ang asawa, hindi pa lang nila in-announce.

Pansin namin, ang saya-saya ng socmed account nina Dingdong at Marian, puno ng congratulations messages at sa parte ni Dingdong, nahahaluan ng promo nito ng  Cain at Abel, ang action drama series nila ni Dennis Trillo at promo ng MMFF entry ng Star Cinema na Fantastica.

Isa si Dingdong sa major cast ng movie with Vice Ganda and Richard Gutierrez at kung saan, may cameo si Marian.