Zoren nakiki-bagets sa mga anak

February 12, 2020
Zoren Legaspi

IKINUKUMPARA ni Zoren Legaspi sa isang chef ang “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” director na si Laurice Guillen dahil sa kalayaan na ibinigay nito sa kanya bilang isa sa mga lead character ng afternoon drama series ng GMA 7 na mapapanood simula sa February 24, 2020.

“Ang maganda kay Direk Laurice,she would give you freedom but as a “ chef,” minsan gusto niya na maalat dito, gusto niya may paminta rito, gusto niya matabang dito.

“ I have learned to listen carefully to her, I would like to thank Direk Laurice for this chance.”

Sa edad na 48, physically fit pa rin si Zoren dahil sa mga sexy father role na ibinibigay sa kanya kaya conscious siya sa pangangatawan.

“ When you say the guy is 50-years-old, it’s not the typical fifty-years-old thirty years ago na talagang dadbod.Nowadays, ang 50-year-old looks like a teenager, dressed up like a teenager so somehow, that’s what I’m trying to show.

“ I have to keep up with my kids, kung anong uso, kung nanonood sila ng Koreanovela, nanonood din ako ng Koreanovela, ‘yung mga ganoon kaya kung mapapansin ninyo sa Instagram ko, naka-trunks ako minsan…”