Zsa Zsa, abala sa Esperanza Farms at Casa Esperanza

December 04, 2018
Zsa Zsa Padilla

MATAPOS mapabalita na sumama ang loob niya sa pagri-reformat ng Sunday noontime show na Asap ng ABS-CBN, heto at may bagong pinagkakaabalahan si Zsa Zsa Padilla sa labas ng showbiz.

Sa Instagram post ng Divine Diva, ibinalita niya na kakatapos lang niya ng introductory lecture sa agriculture sa ilalim ng isang Mrs. Marina ng Department of Agriculture sa Cebu.

Marami pa umano siyang dapat matutunan online pero pagkatapos ng Pasko, magsa-site visit na raw sila ni Mrs. Marina sa itatayong farm na tatawagin niyang Esperanza Farms.

Sa taong 2020 naman, balak niyang buksan sa publiko ang resthouse na tatawagin niyang Casa Esperanza.

Kwento pa ni Zsa Zsa, matagal na nilang pangarap ng boyfriend na si Architect Conrad Onglao ang magkaroon ng farm.

Aniya, “I have great respect for farmers. But now, I have a deeper appreciation for the hard work and patience they put in to make sure we have good, quality food on our tables.

“Conrad and I hope to do the same thing for you one day!

“Thank you, dear God, for opening new opportunities for me. I dream of becoming a good farmer and not be afraid of the challenges that come with this new, exciting venture.

“The work ahead may be overwhelming but with Your love and guidance, I know that I will be able to pursue all of my dreams.

“Yes, friends, farming does excite me! And happy as a tomato to explore new possibilities in my golden years,” parte pa ng mahabang caption ni Zsa Zsa sa IG post.