Tom Rodriguez siguradong si Carla Abellana na ang ‘The One’

May 28, 2020
DAHIL sa umiiral na enhanced community quarantine ay mas napatunayan daw ni Kapuso actor Tom Rodriguez na ang girlfriend niyang si Carla Abellana na ang kanyang ‘The One.’ Sa kanyang eksklusibong panayam sa 24 Oras, sinabi ni Tom na mas naging klaro at napagtibay raw ng lockdown ang kanilang relasyon ni Carla. “Siya, hindi naggi-give up, hindi nagpa-falter and willing to really work it out and support me. Mas nagiging klaro sa akin na siya na pala talaga,” ani Tom.

Marian Rivera bakit iniiwasan ang alak?

May 28, 2020
NAGTATAKA ang netizens kung bakit tubig lamang ang hawak ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa ipinost nitong picture ng date nila sa bahay ng asawa na si Dingdong Dantes. Sa Instagram post ay makikitang nagtsi-cheers ng kanilang iniinom ang dalawa at habang alak ang hawak ni Dingdong ay tubig naman ang kay Marian, "Cheers Mahal ko! Tubig na lang muna ko.” Maraming netizens tuloy ang naintriga sa pag-iwas ng Kapuso actress sa pag-inom ng alak subalit ipinaliwanag ng Team Dantes sa kanilang website na ang pag-consume ng non-alcoholic beverage ni Marian ay dahil sa kasalukuyan niyang pagbe-breastfeed sa bunso nilang si Ziggy. "Marian is still breastfeeding her youngest Sixto. That is why she can't drink any wine nor any drinks with alcohol in it.” Matatandaang nakiisa rin si Marian sa selebrasyon ng World Day of Human Milk noong Mayo 19 sa pamamagitan ng pag-donate nito ng kanyang breast milk at paghikayat sa kapwa ‘Padede moms’ na ibahagi ang kanilang gatas sa mga higit na nangangailangan. Magbabalik-telebisyon naman si Marian sa pagbibidahang GMA series na ‘First Yaya’ kasama si Gabby Concepcion.

Jasmine Curtis-Smith, may binahaging tips kung paano makakatipid ngayong quarantine

May 28, 2020
HINDI biro ngayong panahon ang kumita ng pera lalo pa at bagsak ang ekonomiya dahil sa pagsasara ng mga negosyo bunsod ng lumalaganap na COVID-19 pandemic. Kanya-kanya ngayong diskarte sa pagtitipid ang lahat lalo na at nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang ilang parte ng bansa. Nagbigay naman ng tipid tips si Descendants of the Sun star Jasmine Curtis-Smith kung paano nga ba dumiskarte at makalikom ng extra income sa panahon ngayon ng quarantine. Ayon kay Jasmine, paminsan-minsan na lang daw siyang nagpapa-deliver ng pagkain upang makatipid at sa halip ay siya na mismo ang nagluluto. “I learned how to cook a long time ago and I try to apply that now. Kung mayroon man akong order, kumbaga pang-'reward' ko, I make sure na 'yung order ko is good enough to last me. And puwede kong iluto ulit in another way,” ani Jasmine. Habang tigil muna sa taping ang pinagbibidahang GMA series na DOTS PH, muling napapanood ang rerun ng Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Heart Evangelista nagbenta ng painting para makatulong sa frontliners

May 28, 2020
PATULOY ang ginagawang pagtulong ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa bansa. Ang kanya namang binigyan ng tulong ay ang mga frontliner na patuloy na nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan. Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Heart na ang kanyang painting na “Upended 2020” ay naibenta sa Art For Life. Aniya, “My painting, “Upended 2020,” was sold to Art for Life and the proceeds will go to our dear frontliners. I'm sad to let it go but I'm so so happy that it will be part of someone else's story.”

Ken Chan may ibang pinagkakaabalahan habang naka-quarantine

May 28, 2020
MAY bagong hobby ang Kapuso actor na si Ken Chan habang naka- home quarantine. Ipinakilala niya sa kanyang fans at followers ang pinakabago niyang pet na isang parrot. Sa kanyang Instagram video, makikita kung paano niya pinapakain ang kanyang pet na pinangalanan niyang Pasha. Aniya, “Feeding the birds is also a form of prayer.” - Pope Pius XII. Meet “Pasha” my African Grey Parrot Bird." Ikinuwento rin niya na marunong nang magsalita si Pasha. 

GMA Artist Center treats Kapuso audiences with virtual entertainment 

May 28, 2020
Every Tuesday, “PareKuys” features the handsome Kapuso hunks from the Philippine adaptation of the hit Korean drama series ‘Descendants of the Sun’ – Rocco Nacino, Paul Salas, Jon Lucas, Prince Clemente, and Lucho Ayala. They take on various challenges including the 'Totropahin o Jojowain’ and ‘Roleta’ challenges where they revealed interesting personal experiences.

Ai Ai, after heavy bashings, names bread variety after Lee Min Ho

“THE KING sa Netflix. Kung hindi lang si Lee min ho ang bida nito, d ako mag tiyatiyagang bigyan to ng chance, pero sorry hindi kagandahan itong palabas na to para sa aking panlasa.. masyado ako disappointed ... hindi mo maintindihan ang flow ng korean novela na to .. science fiction, ? Action? Love story?  Ano ba talaga? Panalo lang to para sa kanila sa dami ng intrusion .. fastfood chain, coffee, energy drink, lipstick , makeup lahat na ata ng klase, pero sana mas inisip nila yung ganda ng story bago yung kita... pero nabasa ko sa google magaling ang scriptwriter nito.” 

Epix TV series reviews: 'Belgravia'

JULIAN Fellowes, the writer of films and TV shows about the British upper class and their servants like “Gosford Park” (which won the Oscar best original screenplay award) and the acclaimed “Downton Abbey” is now back with “Belgravia”, a miniseries based on his own 2016 novel. It’s shown on Epix that earlier aired such stylish shows as “Perpetual Grace”, “Get Shorty” and “Pennyworth”. 

Dating GMA talent namamayagpag sa New York

May 28, 2020
LUMIPAT na ang 23-year-old New York-based Fil-Am model na si Kelsey Merritt ng management company, ang Wilhelmina with branches in New York City, Chicago, Miami, Los Angeles and London.  Nung isang taon ay nasa pangangalaga siya ng The Society na naka-base pa rin sa New York.

Netizens, saludo kay Connie

May 27, 2020
Marami ang bumilib sa ipinakitang professionalism ng GMA News anchor na si Connie Sison sa naging live interview niya with Philippine Red Cross Chairman Dick Gordon na napanood last Tuesday sa “Unang Hirit.”

Depresyon, inamin ni Heart

May 27, 2020
Tagos sa puso ang naging online kuwentuhan nina Jessica Soho at tinaguriang “Queen of Creative Collaborations” na si Heart Evangelista sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”