Matteo papalagan na ni Sarah

Si Matteo ay boluntaryong pumasok nung May 27 sa scout ranger training ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Tecson in San Miguel, Bulacan na tatagal ng 45 days. Isa sa mga requirements ng training ay ang kanyang pagpapakalbo ng kanyang buhok na hindi naman tinutulan ng singer-actor.

Anak ni Cherie nagtapos sa New York

VETERAN singer-actress Cherie Gil must be beaming with pride ngayong nagtapos na sa kanyang pag-aaral sa Tisch School of Arts ng New York University ang isa a dalawang niyang anak sa kanyang ex-husband, ang world-renowned violinist na si Rony Rogoff na si Bianca Rogoff. Bianca was also among the awardees for the outstanding achievements for the classical studio of the NYU Tisch School of Arts, the performing cinematic and media arts school of the New York University in New York City, USA.

Viva may mga bagong talent

Magkasunod ang launching ng debut singles ng 13-year-old na si Via Ortega via her song “Paghanga” at ang 16-year-old pop artist na si Hannah Magdales na hindi lamang magaling kumanta kundi mahusay din siyang sumayaw at tumugtog ng iba’t ibang instrumento tulad ng piano, guitar, drums, violins at ukulele.

Julie Anne excited kay Arnel Pineda

TWENTY-five year-old Julie Anne San Jose returns at the concert scene via her upcoming concert at The Theatre at Solaire on July 20, 2019 entitled “Julie Sings The Divas” to be directed by TV and movie director Louie Ignacio. Excited na makasama ni Julie as her special guests ang Filipino lead vocalist ng kilalang American rock band, ang Journey na si Arnel Pineda with the UP Concert Chorus at ang UP Arco String Orchestra.

Via pinakabatang recording artist ng Viva

Tatlong taong gulang pa lamang si Via (na bagong discovery ng colleague na si Mercy Lejarde) nang ito’y sumailalim ng voice workshop sa veteran composer and record producer na si Vehnee Saturno. She also played the lead character ng isang school musical, ang “Fina and the Vitas”. Hindi rin siya tumigil sa pagkuha ng ibang workshop tulad ng acting at dancing na kakailanganin niyang tool hindi lamang sa kanyang pinasok na singing and recording career kundi maging sa laranan ng pag-arte.

Matteo bagay ang military uniform

BAGAY na bagay sa triathlete, singer-actor, celebrity endorser and restaurateur na si Matteo Guidicelli ang kanyang military uniform nang ito’y dumalaw sa Maguindanao kamakailan lamang at tuwang-tuwa ang mga batang makita siya lalupa’t bihira silang makakita ng artista o celebrity.

JakBie at Sanya, tuwang-tuwa sa mga usa!

MARAMI ang natutuwa sa closeness ng magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez o kilala rin bilang Bida-bida Sibs sa kanilang Youtube vlogs. Very natural at puro asaran ang ginagawa nila kaya mag-e-enjoy ang mga nakakapanood sa kanilang videos. Lalong naging interesting ang vlogs ng dalawa dahil nakakasama nila sa kanilang kulitan ang GF ni Jak na si Barbie Forteza.

Marcelito nakadaupang palad si Celine Dion

Ang kanyang pagkapanalo sa PGT ang nagdala sa kanya sa “Ellen Degeneres Show” in early November 2018 kung saan kinanta niya ang “The Prayer” at “Beauty and the Beast” (of Celine Dion). Hindi lamang si Ellen ang kanyang pinahanga kundi maging milyung-milyong viewers ng programa maging ang studio audience na nagbigay sa kanya ng standing ovation.

Edward mahihirapang wala si Maymay

Marahil naging eye-opener kay Edward ang nangyari sa showbiz career ng kanyang best friend na si Marco Gallo. The latter was first paired with Kisses Delavin. Pero maaga rin itong nabuwag. Kaya marahil alam niyang sakyan ngayon kung saan patutungo ang loveteam nila ni Maymay. Dapat lang dahil mahihirapan siya 'pag nag-solo siya. Dahil sa ngayon, malakas ang MayWard. Sa katunayan, nabigyan na siya ng big break na bumida sa isang programa. Edward co-topbills with Grae Fernandez in the ongoing fantaserye "Hiwaga ng Kambat." Siyempre, katambal pa rin niya si Maymay pero mas naka-focus ang kuwento sa kanyang karakter. Sold out din ang kanilang album launch. In short, naaambunan siya sa kasikatan ni Maymay. At siguradong alam ito ni Edward kaya todo-alaga siya kay Maymay. But to be fair, may improvement sa kanya. Magaling na rin siyang magsalita ng Filipino. At kitang-kita naman na gustong-gusto niya ang kanyang ginagawa.

Pelikulang May-December affair nina Anne at Edu isasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino

MALAMANG na isali ng Viva Films ang pelikulang “Just A Stranger” nina Anne Curtis, Marco Gumabao at Edu Manzano mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana sa darating na ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pet project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairman na si Liza Dino-Esguerra.

Jimmy sinusundan ang yapak ni Mocha

'Yan ang wish ni Jimmy Bondoc sa isang TV network, ayon na rin sa kanyang Facebook post. Obviously, the network referred to in his post is ABS-CBN, which he named later on. Kaya naman inalmahan ito ng mga artista at empleyado ng Kapamilya network. Its broadcast franchise will expire in 2020. At haharangin daw ang renewal nito ni Pangulong Duterte dahil sa diumano'y pambubulsa ng pera at 'di pag-ere ng kanyang ads noong National Elections 2016.