Home>Entertainment>Showbiz>Fanny ‘pinatay’ sa social media

Fanny ‘pinatay’ sa social media

Fanny Serrano
Fanny Serrano

BAKIT kaya masaya ang mga taong nagkakalat ng fake news at kasama na rito ang `pagpatay’ sa mga taong buhay na buhay pa?

Kamakailan lamang ay may nagkalat ng balita na sumakabilang-buhay na umano ang celebrity make-up artist at fashion designer na si Fanny Serrano na kaagad pinabulaanan ng megastar na si Sharon Cuneta.

Fanny is still very much alive and fighting for his life sa isang pagamutan in Metro Manila matapos itong magkaroon ng massive stroke nung isang linggo.

May lumabas ding balita sa social media recently na namatay na rin umano ang US-based former actor na si Gary Garcia, anak ng yumaong veteran actors na sina Rodolfo `Boy’ Garcia at Lucita Soriano at nakatatandang kapatid ng yumao ring actor na si Marco Polo Garcia. Agad nag-check kay Garcia ang ilan niyang mga kaibigan at nagulat pa ang mga ito including Gary himself nang makausap nila ang dating aktor.

Madaling mag-post, mag-share at mag-forward sa social media tungkol sa anumang bagay o impormasyon. Pero dapat siguro’y siguraduhin muna kung totoo o kumpirmado ang balita nang hindi makuryente at makaapekto sa ibang tao.

Comeback movie ni Claudine ‘di tuloy

KINUMPIRMA sa amin ng celebrity lawyer-turned movie and concert producer na si Atty. Ferdinand `Ferdie’ Topacio na hindi na umano matutuloy ang comeback movie ng actress na si Claudine Barretto na nakatakda sanang pamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ang nasabing pelikula ay magiging co-production sana ng Borracho Films at Viva Films kung saan din sana tampok na mga bituin sina Jericho Rosales, Kara Madrid at iba pa.

Nalungkot siyempre ang fans ni Claudine na umaasa sa tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ng kanilang idolo lalupa’t 2015 pa ang huling pelikulang ginawa nito, ang “Etiquette for Mistresses” na dinirek ni Chito Rono.

Although ibinahagi sa amin ni Atty. Topacio ang dahilan ng pagkaka-kansela ng proyekto, we’d rather not divulge it sa paniniwala namin na puwede pa itong mabago.

Best of friends ang turingan nina Claudine at Atty. Topacio at ang huli ang tumutulong sa aktres pagdating sa kanyang legal cases. Just recently, napag-alaman namin ang pagkakabasura ng korte ng huling kasong isinampa ni Claudine laban sa kanyang dating mister, ang actor na si Raymart Santiago.

Marco nalilito sa resulta ng Covid tests

Lara Quigaman and Marco Alcaraz

ACCURATE ba ang iba’t ibang paraan for Covid-19 tests tulad ng swab, saliva antigen at RT-PCR tests?

Sa kaso ng actor na si Marco Alcaraz, hindi niya malaman kung alin sa tatlong procedure ang maituturing na accurate dahil nag-positibo umano siya sa swab test pero nag-negatibo naman sa saliva antigen at RT-PCR tests. Nag-negatibo rin ang kanyang roommates sa isang lock-in taping sa Cavite.

Nalilito man, gustong makasiguro ng actor na safe ang kanyang mga kasamahan sa trabaho maging ang kanyang pamilya, ang asawang si Lara Quigaman at tatlo nilang mga anak maging ang kanilang mga kasama sa bahay, kay nag-desisyon si Marco na mag-isolate sa loob ng 14 days kahit wala siyang ibang nararamdaman sa kanyang katawan.

Makati City Pabakuna

Nadine may projects sa labs ng Viva

HINDI kaya magka-problema ang singer-actress na si Nadine Lustre sa kanyang upcoming digital concert on Kumu under Careless Music sa darating na May 2021 na pinamagatang “Wildest Dreams”.

Ang Careless Music ay pag-aari ng singer-actor na si James Reid na siya ring naglabas ng album ni Nadine last November 2020.

As far as we know, si Nadine ay may existing contract pa with Viva up to this time.

Bukod sa digital concert sa buwan ng May, may upcoming film concert din umano si Nadine sa buwan ng Agosto 2021.

Coco at Julia unti-unti nang lumalantad

PATULOY na sinusubaybayan ang rumored sweethearts na Coco Martin at Julia Montes ng kanilang mga tagahanga na hanggang ngayon ay umaasam sa paglantad ng dalawa ng kanilang relasyon.

Kahit parehong single at walang sabit sina Coco at Julia, choice nilang dalawa na gawing pribado ang kanilang relasyon at may sarili silang rason kung bakit nila ito ginagawa.

Patuloy ding umaasa ang fans na sana’y mag-propose na umano si Coco kay Julia dahil matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa na nagsimula sa set ng “Walang Hanggan” TV series na kanilang pinagtambalan nung 2012 at umabot hanggang 2014.

Ang recent viral photos nina Coco at Julia na kuha habang nagtsi-check-in sa airport patungong Boracay at kung saan din naispatan ang dalawa ay magpapatunay sa kanilang relasyon.

Julia turned 26 last March 19 na inaakalang dahilan ng pagtungo ng dalawa sa Boracay to celebrate Julia’s birthday. Si Coco naman ay 39 going 40 sa November 1.

It’s about time na rin siguro na magkaroon na rin si Coco ng sarili niyang pamilya at mukhang si Julia ang `the one’ para sa bida at co-director ng longest-running action-drama series, ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger