Home>News>Nation>Go sa Makabayan bloc: Libre bumatikos pero ‘wag pabagsakin ang gobyerno

Go sa Makabayan bloc: Libre bumatikos pero ‘wag pabagsakin ang gobyerno

Bong Go

IPINAALALA ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga kasapi ng Makabayan bloc na libre silang bumatikos sa gobyerno ngunit ibang usapan na kung tinatangkang pabagsakin ito.

Matapos personal na pangunahan ang distribusyon ng ayuda sa mga miyembro ng TODA sa Quezon City, sinabi ni Go na maaari namang i-exercise ng grupo ang kalayaan nito sa paghahayag, kabilang na ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.

Gayunman, idiniin ng senador na kung tinatangkang wasakin at pabagsakin ang gobyerno ay iba nang isyu.

Personally, ‘wag lang po to topple the government. You are free to criticize the government but not to topple the government,” sabi ni Go.

Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng demokrasya ay inihalal ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte bilang lider nito kung kaya ang pagpapabagsak sa pamahalaan ay malinaw na pag-atake sa kagustuhan ng sambayanan.

Pinili ng tao ang gobyerno, pinili si Pangulong Duterte. Galangin po ninyo ito,” ani Go.

Makati City Pabakuna

Matatandaan na ilang grupo at mismong ang Pangulo ay tinukoy ang Makabayan bloc bilang front organization ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ikinabahala ni Pangulong Duterte ang ginagawang pagrerekrut ng CPP-NPA sa mga estudyante, lalo na sa mga unibersidad, para isama sa bundok at pahawakin ng armas laban sa gobyerno.

Sa kanyang panig, sinabi ni Go na wala siyang ibang nais kundi ang kapakanan at ang buhay ng Filipino.

Ako ay naniniwala na sana po walang magbuwis ng buhay. Importante po sa akin ang buhay ng bawat Filipino,” ani Go.

Umapela siya sa rebeldeng grupo na itigil na ang paggamit ng dahas sa pagsasabing wala itong mabuting kahahantungan.

Ang gusto nila is to topple the present government. ‘Yun po ang laging nagiging isyu. May gobyerno, gusto nila pabagsakin. Respetuhin niyo po ang termino ng ating Pangulo, pinili po sya ng taumbayan kaya nga meron tayong eleksyon. This is democracy,” sabi ng senador.