Home>Entertainment>Showbiz>Grateful Tuesdays umabot na sa 7,000 pamilya ang natulungan

Grateful Tuesdays umabot na sa 7,000 pamilya ang natulungan

Grateful Tuesdays
Grateful Tuesdays

MULING nagbabalik sa CSTV screen ang Grateful Tuesdays sa pangunguna ng host nito na sina Chemist Pinky Tobiano at Yeng Constantino noong nakaraang Martes, November 24.

Sa kanilang comeback episode, ipinakita nila ang naging relief efforts ng programa sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Cagayan, Marikina at Rizal kung saan umabot na sa 7,000 na pamilya ang naaabutan nito ng tulong.

Grateful Tuesdays
Grateful Tuesdays

Sa pamamagitan ni Mayor Chavit Singson, nakalipad ang buong team lulan ng tatlong eroplanong punong-puno ng relief goods. Naabutan ng tulong ang bayan ng Tuguegarao at mga karatig nitong bayan. Nakibahagi din dito ang mga kaibigan ni Tobiano at mga artistang sina Ruffa Gutierrez at KC Concepcion.

Sinalubong naman ng mahabang pila ng mga evacuees ang naging pagbisita ng Grateful Tuesdays sa Marikina. Sinigurado nila na bawat residente ay mabibigyan ng relief. Naging mainit din ang pagtanggap sa Rizal, kung saan naging emosyonal si Pop Rock Superstar Yeng. Sa Montalban, Rizal lumaki si Yeng at ang makapagbigay ng tulong sa kanyang lugar ay napakalaking bagay na para sa kanya.

Makati City Pabakuna

Binisita rin ang show nina Sexy Jazz Crooner Markki Stroem at this Generaton’s Pop Princess Zephanie para maghandog ng isang awitin at mensahe para sa mga kababayan nating nabiktima ng bagyo.

Ina-announce din sa nasabing show ang pasabog na surpresa mula kay Mayor Chavit Singson, ang dapat na limang scholarship ay ginawa nitong 10. Ibig sabihin lang nito, sampung deserving na estudyante ang makakapag-aral ng libre sa kolehiyo. Ipinaalam din nina Tobiano at Constantino na magbibigay din ang programa ng Sari-store jeepneys at starter packages sa gustong mag-umpisang magnegosyo.

Talagang ramdam na ramdam na ang Pasko sa Grateful Tuesdays, bukod kasi sa patuloy na pagbuhos ng blessings at pamimigay ng aginaldo, marami pang kwento ang ifefeature sa programa na magbibigay sa inyo ng inspirasyon.

Mapapanuod ang Grateful Tuesdays tuwing Martes, 7 PM – 8 PM live na live sa Cornerstone FB Page, Chemist Pinky FB Page at CSTV Kumu Account.