Home>Entertainment>Showbiz>Heart kabilang sa Top 10 influencers ng Forbes Magazine

Heart kabilang sa Top 10 influencers ng Forbes Magazine

Heart Evangelista
Heart Evangelista

TIYAK na very proud ang 51-year-old governor ng Sorsogon na si Francis `Chiz’ Escudero sa pinakabagong international recognition ng kanyang misis of more than five years na si Heart Evangelista (Love Marie Payawal Ongpauco-Esdudero)- 35 dahil napasama ito sa latest issue of Forbes France as one of the Top 10 Most Fashionable Influencers alongside German fashion blogger and model na si Caroline Daur at ang Italian entrepreneur and influencer na si Chiara Ferragni, among others.

Ang fashion sense ni Heart ay hindi lamang sa Pilipinas napapansin kundi maging sa ibang bansa. Bukod sa Forbes France, na-feature din si Heart sa US fashion magazine na Harper’s Bazaar (in 2018) maging sa Instagram ng Elle Magazine (Australia) this month. Ito’y bukod pa sa kanyang cover sa unang issue ng Buro Magazine sa Singapore at iba pa.

Si Heart ay visible sa mga fashion week events in Paris, France maging sa New York except this year dahil sa pandemic.

Myrtle ginastusan ang first virtual concert

Myrtle Sarrosa
Myrtle Sarrosa

NAPAKASUWERTE ng cosplayer, ex-PBB: Teen Edition 4 Big Winner, singer-songwriter, actress, VJ, dancer at celebrity endorser na si Myrtle Sarrosa (Myrtle Abigail Porlucas Sarrosa), turning 27 on December 7 dahil nakahanap siya ng bagong concert producer na talagang gagastusan siya nang husto hindi lamang in terms of production value kundi maging sa kanyang pitong magkakaibang costumes including publicities, ang celebrity lawyer na si Atty. Ferdie Topacio.

Hindi ikinakaila ni Atty. Topacio na halos P1-M ang kanyang ginastos para lamang mapaganda ang kauna-unahang virtual concert ni Myrtle na pinamagatang “Myrtle: Still Love me” kung saan special guest ang tinaguriang Prince of Ballad na si Gerald Santos at ang umawit ng theme song ng pelikulang “Mamasapano” na si Atty. Ferdie Topacio. The concert was pre-taped live last Saturday, November 21 na ginanap sa Teatrino in Greenhills, San Juan at pinamahalaan ni Rommel Ramilo and produced by Borracho Productions na pinamumunuan mismo ng controversial lawyer.

Kasama sa repertoire ni Murtle ang “Ice Cream” ng Black Pink, “Dynamite” ng BTS ganoon din ang sarili niyang version ng “Mr. Kupido,” “Mahal Ka Sa Akin,” “Label,” “Tadhana,” “Titibo-Tibo,” “Miss Kita Kung Christmas,” “Ngayong Pasko” and her own song “Still Love Me” at iba pa. Bukod sa duet with Gerald, meron din siyang dance production numbers with Outkast.

Myrtle’s concert was first conceptualized nung wala pang pandemic and was originally scheduled nung nakaraang May 2020 sa Teatrino pero dahil sa present situation ay ginawa itong virtual concert at matutunghayan sa darating na Sabado, November 28 at ang live streaming ay magsisimula ng 8:30 p.m.

Makati City Pabakuna

Ang mga sponsors sa virtual concert ni Myrtle include Waterfront, LBC, Luxen, Milady Jewelty, Ideal Vision, Emperador, Cong. Tonypet Albano, Xentro Mall, Sisters, Aficionado, Erase, Engbetin, San Miguel and Morris Garages.

Romantic engagement nina Roco at Melissa overlooking Hinulugang Taktak

Rocco Nacino and Melissa Gohing
Rocco Nacino and Melissa Gohing

OVERWHELMED pa rin hanggang ngayon ang newly-engaged couple na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing matapos ang kanilang romantikong engagement sa isang vacant lot sa Antipolo overlooking Hinulugang Taktak.

In fairness sa Kapuso actor na si Rocco, talagang pinaghandaan at ginastusan niya ang kanyang pagpu-propose sa babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Turning 34 on March 21, 2021, handang-handa na ang actor na harapin ang buhay may asawa gayundin ang kanyang fiancée, ang professional volleyball player na si Melissa.

Since magtatapos na ang taong 2020, most likely ay sa isang taon na mangyayari ang kanilang kasal pero hindi pa nagsi-share ang couple ng petsa kung kailan at saan ito magaganap.

Watch, subscribe and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow us on Instagram @asteramoyo and like us on Facebook.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger