Home>News>Helicopter na ginagamit sa medical evacuation, nawawala
News

Helicopter na ginagamit sa medical evacuation, nawawala

CAAP Logo

Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isang chopper na may sakay na limang katao kabilang na ang isang pilot, isang nurse, isang pasyente at dalawang kasama nito ay nawawala mula pa 9 a.m. ng Martes.

Nagtake-off umano kaninang 7:30 a.m. mula sa Brooke’s Point, Palawan para sana mag-pick up ng pasyente mula sa Mangsee Island sa Balabac, Palawan at inaasahan sanang dadating ng 10:30 am sa Southern Palawan Provincial Hospital.

Gayunman, ito ay hindi macontact hanggang sa isinusulat ang baltang ito.

Ang Alouette helicopter na may registry no. N45VX ay ino-operate ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS).

Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga otoridad sa Palawan.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.