Home>News>Nation>Hinabol ni Kamatayan

Hinabol ni Kamatayan

INABANGAN, hinabol at binaril ng dalawang di pa kilalang kalalakihan kahapon ng hapon ang pinuno ng Management Information Service sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa ulat, “inabangan ang pag-uwi, hinabol at pinagbabaril hanggang mamatay ng walang kalaban-laban si Jonathan dela Cruz, MIS head, habang siya ay papauwi sa kanyang bahay sa Polaris Subd., Mt. View,” sa Mariveles, Bataan.

Dahil dito, kinondena ni Mayor Jocelyn P. Castańeda ang pagpaslang sa biktima na ‘isang tunay na may pagmamahal at malasakit sa ating bayan.

Atin po itong tahasang kinokondena at hahanapan ng hustisya,” ani Castaneda.

Makati City Pabakuna

Malaking kawalan si Sir Jonathan dela Cruz sa bayan ng Mariveles. Kasama natin siya sa labang matuwid umpisa pa man at walang pagkakataon na hindi siya naging punong abala sa pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan, buong sipag at malasakit niyang tinutukan ang ating mga programa sa mahihirap nating kababayan kaya’t hindi rin natin siya papabayaan at hindi natin hahayaan na ganitong klaseng laban na ang mamayani sa bayan ng Mariveles,” dagdag ni Castañeda.

Nagpahayag din ng lungkot si Gov. Abet S. Garcia sa sinapit ni Jonathan at sinabing ang biktima ay isang mabait at tahimik na tao. “Kilala ko si Jonathan bilang mabait at tahimik na tao,” anang gobernador.

Nauna nito, nakatanggap ng death threat sina Mayor Castańeda at Dela Cruz, hanggang sa mapatay ang MIS head.

Publication Source :    People's Tonight