Home>Editorial>Opinion>Hulihin si Janyap ng Cavite!

Hulihin si Janyap ng Cavite!

DALAWAMPU’T tatlo katao ang inaresto ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang salakayin ang jueteng den sa General Trias, Cavite.

At tulad ng inaasahan, wala at nakatakas ang pasimuno ng illegal na pasugalan na si Gambling Lord Alyas J!

Maraming nagtataka na sa kabila ng pandemic ay nakukuhang magbukas ng jueteng sa pinakamamahal na probinsiya nina Cavite Gov. Jonvic Remulla at Vice-Governor Jolo Revilla.

Naniniwala tayong posibleng hindi ito alam ng dalawang butihing ama ng lalawigan. Pero malaki rin ang sapantaha natin na posibleng may ilang ‘kurimaw’ sa kanilang paligid ang nagbibigay ng ‘go signal’ para paumpisahan ang jueteng.

Mula nang mag-umpisa ang ‘lockdown’ noong March, isa sa mga resonableng opisyal ng lokal na pamahalaan ang madalas makita sa media sina Gov. Jonvic.

Ramdam nito ang pulso ng kanyang mga kababayan at lalong alam niya kung gaano kahalaga na pangalagaan ang kanilang kalusugan kaya nga kahit ‘laban o bawi’ ang peg sa ipinalalabas na ‘health protocol,’ okay lang ito dahil mas importante ang buhay, kaysa ekonomiya!

Nasa moderate general community quarantine (MGCQ) ang Cavite hanggang Dec. 31. Dahil Christmas season, hindi lamang sa kanilang probinsiya pinangangambahang tumaas ang bilang ng magkasakit ng COVID-19 kundi sa buong bansa na rin.

Ang catch lang, dahil tuloy ang jueteng sa lalawigan, mas lamang sa katotohanan na mas lalala ang sitwasyon sa Cavite kumpara sa ibang lalawigan.

Sa 23 jueteng personnel, tatlo ang pinakawalan dito for ‘humanitarian reason’ dahil mga ‘senior citizens’ na sila.

Makati City Pabakuna

Sa aspetong ito ay alam na natin agad kung gaano kapanganib ang pagpapahintulot sa illegal gambling. Na kahit mga menor de edad hanggang senior citizens ay hindi malayong mahalina sa illegal na sugal sa kabila ng COVID-19.

Ang sinalakay na bolahan ng jueteng ay sa Bgy. Sta. Clara, bayan ng GenTri.

Ayaw kong isipin na hindi na uso ang ‘one strike policy.’ Hindi natin kilala si Col. Marlon Santos, provincial director ng Cavite PNP, alam nating maganda ang naging performance nito sa mga nakalipas na buwan.

‘Unfair’ naman sigurong masira ang kanyang pangalan dahil lamang sa hindi niya namomonitor nang maayos na nagkalat na pala ang jueteng sa kanyang ‘area of jurisdiction.’

Sana, hindi lang mga empleyado ng jueteng ang naaaresto ng pulisya, kundi ang mismong pasimuno sa paghahasik ng lagim ni alyas J!

Sa sobrang yabang ni alyas J, ‘kasmala’ raw siya mula sa headquarters ng Police Regional Office (PRO) 4a hanggang Camp Crame na alam kong ikagagalit nang husto nina PNP chief Gen. Debold Sinas at Brig. Gen. Felipe Natividad.

At sa puntong ito, mas maganda kung mismong si Col. Santos na ang humuli kay alyas J!

Tama ba ako, Jun M?

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large