Home>News>Provincial>Iba’t-ibang LGU naging bahagi sa Kampilan Squad Challenge 2022
Provincial

Iba’t-ibang LGU naging bahagi sa Kampilan Squad Challenge 2022

Kampilan Squad Challenge 2022

CAMP SIONGCO, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao – Nagpakita ng suporta at partisipasyon ang iba’t-ibang Local Government Units mula Central at South-Central Mindanao sa ‘Kampilan Squad Challenge 2022’ na parte ng 35th Founding Anniversary ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division na nagsimula noong Oktubre 10, 2022 at nagtapos nitong Oktubre 16, 2022.

Pinasalamatan ni JTFC at 6ID Commander Major General Roy M Galido ang mga dumalo’t lumahok na stakeholders lalung-lalo na ang mga LGUs ng Sultan Kudarat; General Santos City; Maguindanao at North Cotabato sa pagpapakita ng kanilang walang sawang suporta sa mga aktibidad ng JTFC at 6ID. “Ang naging partisipasyon ng mga leaders ng mga Local Government Units ay nagpapatunay ng matibay na ugnayan ng sibilyan at militar; naway patuloy itong maging malakas at matibay sa susunod pa na mga taong darating” wika ni Maj. Gen. Galido.

Kampilan Squad Challenge 2022

Ang mga events ay ginanap sa iba’t-ibang probinsya na sakop ng 6ID. “Ang ‘Kampilan Squad Challenge’ ay naglalayong ipakita at palakasin hindi lamang ang physical skills ng bawat isa kundi pati na rin ang mental skills ng parehong mga organic at Operational Control units ng command. Dito natin makikita at masusuri ang ating mga strengths at weaknesses upang mas makilala natin ang ating mga sarili” dagdag ni Maj. Gen. Galido.

Ang nasabing aktibidad ay hinati sa limang parte o “leg”. Sa First Leg, pinangunahan ni Palimbang Municipal Mayor Joenime Kapina ang opening ceremony kung saan ang mga naging event ay 10km endurance run, knot tying at CSP-PCVE evaluation exam. Nakuha ng 33rd Infantry Battalion ang 1st place at sinundan naman ito ng 1st Scout Ranger Battalion at 37th Infantry Battaion.

Kampilan Squad Challenge 2022

Para sa Second Leg, pinangunahan naman ni Maasim Municipal Mayor Zyrex Pacquiao ang opening ceremony na ginanap sa Headquarters ng 38IB. Nanguna naman ang 1SRB, sinundan ng 6IB at 38IB kung saan ang mga events ay Longrange Firing, Military Truck driving at Weapons Disassembly/Assembly. Ginanap naman ang closing ceremony sa Oval Gym Covered Court sa General Santos City na dinaluhan ni Mr. Lou Bernard Imo, Executive Assistant to the City Mayor Lorelie Pacquiao.

Sa Third Leg, ang mga events dito ay Radio Communication at Mortar Live Firing kung saan nanguna ang 1SRB at sinundan ng 6MechBn at 7IB. Ito ay ginanap sa Headquarters ng 601Bde kung saan naging panauhing pangdangal si Datu Abdullah Sangki Vice Mayor Samsodhen Sangki.

Kampilan Squad Challenge 2022

Ginanap ang awarding ng 2nd at 3rd leg gayundin ang closing ceremony sa Ampatuan Municipal Covered Court na dinaluhan ni Mr. Abdulbasit Langcap ang Municipal Administrator ng Ampatuan Maguindanao.

Ang Fourth Leg naman ay ginanap sa 6ID Golf Course, Camp Paulino Santos, Dado, Alamada, North Cotabato kung saan naging panauhing pandangal si Alamada Vice Mayor Leonigildo Calibara. Dito nagkaroon ng Night Navigation, Endurance Firing at Movement and Formation Technique. Nakuha naman ng 2DRC ang first place at sinundan naman ng 37IB at 38IB.

Kampilan Squad Challenge 2022

Sa Fifth Leg, pinangunahan ni ABC President, Ivy Rose Sinsuat ang opening ceremony na ginanap sa 6DTS, Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Naging events sa leg na ito ang Pistol Firing, Obstacle Course, River Crossing, Rucksack March at TCCC. Panalo naman ang 37IB sa unang pwesto, sinundan ng 5SFBn at 2LRC.

Nagpahayag naman ng galak at pagmamalaki si Maj. Gen. Galido sa pagtatapos ng Kampilan Squad Challenge.

Kampilan Squad Challenge 2022

“Ang tagumpay ng ‘Kampilan Squad Challenge’ ngayong taon ay tagumpay rin para sa ating mga stakeholders dahil sa inyong suporta at partisipasyon. Maraming salamat sa inyo”, mensahe ni Maj. Gen. Galido.

Kampilan Squad Challenge 2022

Kampilan Squad Challenge 2022

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph