Home>News>Provincial>Ilang residente sa Abra, nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa walang humpay na suportang ipinapaabot ng pamahalaan
Provincial

Ilang residente sa Abra, nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa walang humpay na suportang ipinapaabot ng pamahalaan

Abra Resident

BANGUED, ABRA – Nagpahayag ng pasasalamat ang ilang residente na naapektuhan ng Magnitude 7 na Lindol sa Abra sa patuloy na suportang kanilang natatanggap mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan.

Sa isang panayam, sinabi ni Tatay Puya E. Libo, 72 taong gulang, residente ng Zone 3 Bangued, Abra na bagama’t matindi ang kanilang nararanasang hirap sa kasalukuyan ay patuloy pa rin silang nagtitiwala na makakabangong muli dahil sa kaliwa’t kanang tulong na ipinapaabot sa kanila.

“Grabe ang nangyari ngayon dito sa Abra. 32 years na ang nakalipas bago ulit nangyari ang ganito. Ang hirap talaga. Maraming pasasalamat namin sa mga karatig probinsya, karatig bayan, sa pamahalaan na rumisponde at patuloy na tumutulong dito sa amin.”

Abra Residents

Kaugnay nito, nagpahayag din ng kanyang pasasalamat si Nanay Victoria Lumidao, residente mula sa Ubog Lipcan, Bangued Abra at nagpaabot ng mensahe sa pamahalaan na nawa’y patuloy silang tulungan upang makaahon mula sa danyos na idinulot ng nagdaang sakuna.

“Sana po tulungan ninyo kami. Nandito po kami kasi kailangang kailangan talaga namin ng tulong galing sa kinauukulan. Sobrang hirap po ng ganitong kalagayan kaya sana po ay matulungan kami ng gobyerno na maibalik sa normal ang aming pamumuhay. Matanda na po ako, wala po akong ibang mahihingian ng tulong kundi ang gobyerno.”

Samantala, ipinapaabot ni NORTHERN LUZON COMMANDER LTGEN Ernesto B Torres Philippine Army na patuloy na nakikipagugnayan at nakikipagtulungan ang Sandatahang Lakas at ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang siguruhing matatanggap ng mga apektadong residente ang tulong ng gobyerno para sa kanilang pansamantalang pangangailangan dulot ng nagdaang sakuna.

Abra Relief Operations

Abra Relief Operations

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph