Home>Entertainment>Showbiz>Inauguration ni Pres. Biden puno ng celebrities

Inauguration ni Pres. Biden puno ng celebrities

Joe Biden
US President Joe Biden

ANG Hollywood icon na si Tom Hanks ang nagsilbing host sa inauguration ng ika-46th US President nasi Joe Biden (Joseph Robinette Biden, Jr.) last Wednesday, January 20, 2021 nasiya ring huling araw ng kanyang predecessor, ang dating Pangulong Donald Trump na hindi na dumalo sa inagurasyon at sa halip ay lumipad patungong Florida kasama ang kanyang wife, ang dating First Lady na si Melania Trump lulan ng U.S. Presidential plane at lumapag ng Palm Beach International Airport at saka sila nag-travel patungo sa kanilang pag-aaring resort sa Mar-a-Lago Resort in South Florida.

Tom Hanks, Lady Gaga and Jennifer Lopez
Tom Hanks, Lady Gaga and Jennifer Lopez

Pero ang dating Vice-Present ni Donald Trump na si Mike Pence ay present sa formal inauguration ng 46th na Pangulo ng Estados Unidos. Ito’y dinaluhan din ng tatlong past Presidents ng Amerika na sina former Pres. Barack Obama, George W. Bush, at Bill Clinton. Hindi na nakadalo si dating Pangulong Jimmy Carter, 92, the oldest living former American President.

Ang popular American singer-songwriter, actress and businesswoman na si Lady Gaga (Stefani Joanne Angelina Germanotta) ang kumanta ng American national anthem habang isa rin si Jennifer Lopez sa maraming kilalang performers ang nagtanghal during the inauguration na kinabibilangan din nina Amanda Gorman, Garth Brooke, Eva Longoria, John Legend, Bruce Springsteen, Demi Lovato, Justin Timberlake and Ant Clemons, Katy Perry, Bon Bon Jovi, Black Pumas, Keke Palmer, DJ Cassidy and Friends, Tim McGraw and Tyler Hubbard, Lin-Manuel Miranda, Kareem Adbul Jabbar at iba pa.

Sa kabila ng maayos na inagurasyon sa bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Amerika, mayroon pa ring group of protesters na anti-Joe Biden and anti-police ang nagdaos ng demonstration sa Portland habang pinagbabasag naman ang mga glass window at nag-spray ng anarchist symbols sa Democrats political party building sa Oregon.

Ang dating White House Communications Director na si Jen Psaki ang itinalagang Spokesperson ng bagong Pangulo ng Amerika na si Joe Biden.

Kamala Harris
Kamala Harris

Gumawa naman ng kasaysayan sa American history ang bagong PangalawangPangulo ng Amerika na si Kamala Harris being the first female Vice-President at kauna-unahang black and South Asian VP. Siya ang nag-sworn in sa tatlong bagong halal na Democrat senators.

Sa official social media account ng White House ay nag-post siya ng “Ready to serve.”

Si Vice-President Kamala Harris (56) ay isang abogada, dating Attorney General of California (2011-2017) bago siya naging senador under Democtratic party mula 2017 hanggang 2021. She promised na magiging working Vice-President siya.

On same day matapos ang inagurasyon kina President Joe Biden at Vice President Kamala Harris ay agad nilagdaan ng bagong Pangulo ng Amerika ang ilang executive orders na ang pangunahin ay ang pagharap sa problema ng pandemya na kumitil na ng mahigit 400,000 plus na buhay sa Amerika at ang ekonomiya ng bansa maging ang iba pang pressing problems ng pinaka-powerful na bansa sa buong mundo.

Kung babae ang PangalawangPanguloni Pres. Joe Baiden at babae rin ang kanyang Spokesperson na si Jen Psaki, babae rin ang bagong Director of National Intelligence na si Avril Haines.

“I’ve never been more optimistic about America than I am this very day,” pahayag ni Pres. Biden sa kanyang inaugural address.

“Because of the democracy has prevailed, that’s why Jill and I, Kamala and Doug, wanted to make sure that our inauguration was not about us, but about you, the American people,” dugtong pa ng bagong Pangulo ng Amerika.

Makati City Pabakuna

“Looking forward,” dugtong pa niya “America’s story depends not on any of us, not some of us, but all of us, we the people. That’s the task before us, the only way we’ll get through the darkness around us,” pahayag pa ni Pres. Biden na ang unang goal ay ang pagkakaisa ng mgatao.

Although marami pa rin ang mga supporters ni dating Pangulong Donald Trump, umaasa ang mas nakakaraming Americans sa mga pagbabago sa pamumuno ni Pres. Joe Biden and his Vice-President Kamala Harris.

Mga bagong programa sa TV5 isa-isa nang nagpapaalam

Sunday Noontime Live
Sunday Noontime Live

ANG “All-Star Sunday Afternoon Party” or ASAP on ABS-CBN started on February 5, 1995 with ex-couple Martin Nievera and Pops Fernandez together with former Miss Universe Dayanara Torres and singer-turned actor, Ariel Rivera. Magmula noon ay ilang beses nang nagpalit ng title at hosts at miyembro ng programa although hanggang ngayon ay bahagi pa rin dito si Martin.

Nung 2018, ginanawang “ASAP Natin `To” ang titulo nang pumasok sa programa ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez from GMA.

In 2003 up to time na nag-resign ang veteran TV director na si Johnny Manahan, siya ang nagdirek ng “ASAP” to “ASAP Natin `To”. His original intention was to rest (from directing) but he was offered by good friend Albee Benitez to direct “Sunday Noontime Live” (SNL) for TV5 na tinampukan ng mga dati niyang mga alaga sa Star Magic (which he co-founded with the former president ng ABS-CBN na si Freddie Garcia), ang talent management arm ng Kapamilya network na sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Donny Pangilinan kung saan din nakasama ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray.

Nagsimula ang SNL nung October 18, 2020 at tumagal lamang ito ng tatlong buwan or one season at nagtapos ito nung nakaraang January 17, 2021.

Ang SNL ay isa sa anim na programang produced ng bagong TV producer, ang businessman at dating kongresista na si Albee Benitez. Bukod sa SNL, nagpaalam na rin sa ere ang dalawa pang programang kapanabayan nito, ang gag show na “Sunday Kada” maging ang weekly drama series na “I Got You”. Tatlo pang produced TV shows ng Brightlight Productions ni Albee Benitez ang nasa ere pa, ang daily noontime show na “Lunch Out Loud” (LOL), ang lifestyle magazine show ni Korina Sanchez, ang “Rated Korina” at ang weekly sitcom na “Oh My Dad”.

Ayon sa balita, mahigit P500-M na umano ang nagasta ni G. Benitez sa kanyang TV production kaya kinansela na niya ang tatlong naunang programa na ipinalalabas sa TV5.

Ngayong wala na sa ere ang “Sunday Noontime Love” sa TV5 kung saan lumipat sina Piolo Pascual, Maja Salvador at Donny Pangilinan, makabalik pa kaya ang tatlo sa pinagmulan nilang programa sa ABS-CBN, ang “ASAP”?

Subscribe, like, share and hit the button of “TicTalk with Aster Amoyo” and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger