Home>Entertainment>Showbiz>Jerald wala pang balak pakasalan si Kim
Showbiz

Jerald wala pang balak pakasalan si Kim

Pakboys Takusa

AYON sa singer, dancer, theater actor and comedian na si Jerald Napoles, honored siya na mapasama sa MMFF movie na “Pakboys Takusa” na dinirek ng actor-director na si Al Tantay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay katrabaho niya ang tatlo sa hinahangaan niyang mga komedyante na sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E. na dati-rati’y napapanood lamang niya.

Mga icons na sila, although they’re not that old yet” pahayag ni Jerald.

“Subok na silang tatlo.”

Ngayong nasa bakuran na rin ng Viva si Jerald along with his girlfriend Kim Molina, hindi naging imposible ang kanilang pagsasamang apat sa pelikula.

“Nakakatuwa lang kasi marami akong natutunan sa kanila (Janno, Dennis and Andrew E.). Parati kaming masaya sa set . Although nakatrabaho ko na si Direk Al bilang actor, first time ko siyang nakatrabaho bilang director,” dugtong pa ni Jerald

Samantala, sinabi ni Jerald na wala pa umano sa kanilang immediate plans ni Kim (Molina) ang lumagay sa tahimik dahil pareho pa umano silang may mga pangarap individually na gustong matupad.

Jerald is turning 38 on March 2, 2021 habang magtu-29 naman si Kim on July 1 next year.

Nagsimula ang relasyon nina Jerald at Kim nang gawin nila ang hit OPM musical play na “Rak of Aegis”. They both started as best of friends na nauwi sa pagiging magkasintahan.

Kung si Jerald ay may MMFF movie, si Kim naman ay napapanood every Saturday ng gabi bilang isa sa mga judges ng “Masked Singer Philippines” hosted by Billy Crawford. Ang iba pang tumatayong judges ay sina Aga Muhlach, Cristine Reyes at Matteo Guidicelli.

Doc Rob on his marriage with Patricia: ‘Amazing’

Patricia Javier and Doc Rob Walcher
Patricia Javier, Doc Rob Walcher, Robert and James

SA darating na December 27, celebrity couple Patricia Javier and American Doc Rob Walcher will be celebrating their 15th wedding anniversary. Ang mag-asawa ay ikinasal sa civil rites sa San Diego, California, USA nung December 27, 2005 and followed by a formal wedding on February10, 2006.

Ano ang sikreto ng mag-asawa sa pagiging buo ng kanilang pamilya hanggang ngayon?

“Compromise, respect and patience,” tugon ni Doc Rob na may anim na taon na ring naka-base sa Pilipinas with their two sons na sina Robert (12) and James (9).

Ang ganda ng team-up ng mag-asawang Patricia at Doc Rob dahil they also work well as a business team. May apat na branches na ngayon ang Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic. Bukod sa Quezon City ay may branches na rin sila sa Makati, Alabang at Cavite at kasunod na rito ang branch nila in Pampanga.

“It’s amazing,” deklara ni Doc Rob na na-embrace na rin ang kultura ng mga Filipino.

Malaking challenge ang online MMFF

MALAKING challenge para sa sa pamunuan ng 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang darating na filmfest dahil kauna-unahang gagawin itong online dahil sa pandemya.

As in the past, ang MMFF sa taong ito ay magsisimula sa araw ng Pasko, December 25, 2020 at magtatapos on January 7, 2021.

Instead of the original eight official entries ay ginawa itong sampu sa taong ito na kinabibilang ng “Coming Home,” “Fan Girl,” “Isa Pang Bahaghari,” “Mang Kepweng: Ang Sikreto ng Bandanang Itim,” “Pakboys: Takusa,” “Suarez: The Healing Priest,” “Tagpuan,” “The Missing,” “Magikland” and “The Boy Foretold by the Stars”.

Sa halip na mapanood sa mga sinehan, ay mapapanood ng mga tao ang sampung kalahok na pelikula sa MMFF at the comfort of their homes at a premium price. Ang maganda pa nito, hindi lamang sa buong Pilipinas mapapanood ang sampung official entries kundi maging ng mga Filipinos all over the world.

Reunion movie nina Piolo at Claudine ‘di na pinag-uusapan

HINDI na pinag-uusapan ang reunion movie project nina

Piolo Pascual and Claudine Barretto
Piolo Pascual and Claudine Barretto

na may pamagat na “2gether Un4ever” na nakatakda sanang idirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema at Spring Films (kung saan isa sa may-ari ay si Piolo).

Sina Piolo at Claudine ay unang nagtambal sa hit movie na “Milan” na dinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema in 2004. Ang nasabing pelikula ay siyang nakapaghatid sa dalawa lead stars ng kanilang Best Actor and Best Actress trophies mula sa FAMAS Awards.

Watch, subscribe and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on my Instagram @aster Amoyo