Home>Entertainment>Showbiz>Jeric at Sheryl nagpainit behind-the-scenes
Showbiz

Jeric at Sheryl nagpainit behind-the-scenes

Sheryl Cruz and Jeric Gonzales
Sheryl Cruz and Jeric Gonzales

LALONG na-curious ang manonood kung totohanan na nga ba ang relasyon nina Sheryl Cruz at young actor na si Jeric Gonzales dahil sa behind-the-scenes photos nila sa mula sa kanilang lock-in taping sa pagbabalik ng GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’.

Sa Instagram post ni Sheryl ay makikita ang pasilip sa isa na namang intimate na eksena sa soap.

Aniya, “Abangan natin ‘yang lahat. But you know, in all respect with the creativity and the creative writing of our writers in GMA-7, they stayed true naman to the plot of Magkaagaw and sa totoo lang mas naging daring. Pumupunta siya sa mas pa-daring na scenes kaya ‘yun dapat ang abangan nila.”

At kaya nga raw nagagawa nila ang mga daring na eksena na ito ay dahil nga nagiging totohanan na ito. Well, it’s for us to judge. Malapit nang mapanood sa GMA-7 ang pagbabalik ng ‘Magkaagaw.’

Alden’s Reality concert trending topic

TRENDING topic sa social media ang ginanap na “Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert” ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards nitong Martes (December 8).

Tinutukan ng maraming fans and curious viewers ang 10th anniversary concert at kauna-unahang virtual reality concert sa Pilipinas ni Alden. Bagama’t may ilang bashings (na hindi naman nawawala), mas napuno ang social media ng photos at positive feedback habang sila’y nanonood at pagkatapos ng concert kung saan nakasama ni Alden kasama ang special guests na sina Rodjun at Rayver Cruz at ang OPM band na December Avenue.

Dito rin naganap ang debut performance ni Alden ng kanyang pinakabagong single na ‘Goin’ Crazy’ sa ilalim ng GMA Music at FlipMusic Productions. Sa kasalukuyan, number one ito sa iTunes PH at kabilang din sa Absolute OPM Playlist ng Apple Music. Maaari nang i-stream at i-download ang Goin’ Crazy sa iba’t ibang digital platforms worldwide.

Julie Anne stands on her own

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

MAY bagong dapat abangan ang fans ni Julie Anne San Jose na siguradong maghahatid ng kilig at aliw – ang upcoming series na ‘Heartful Cafe.’

Bida rito ang Asia’s Pop Diva bilang si Heart Fulgencio, ang online romance novelist na may-ari ng The Heartful Cafe. Makakasama niya rito sina David Licauco na gaganap bilang co-investor na si Ace; Zonia Mejia bilang ang prangka niyang pinsan na si Sol; at si Jamir Zabarte bilang ang boy-next-door at nakakatuwang si Buddy.

Samantala, kahit walang bagong nauugnay romantically kay Julie Anne, excited pa rin sa kanya ang fans. Ibig sabihin, she is one idol who can stand alone even without a loveteam.