Home>News>Nation>Jimmy Santos walang-wala

Jimmy Santos walang-wala

Jimmy SantosAMINADO ang komedyanteng si Jimmy Santos na sa edad niya na 71 ay hirap na ang katulad niya na makipagsabayan sa mas batang artista lalo na ngayong pandemya kung saan nawalan siya ng “raket” dahil isa siya sa naalis sa sikat na noontime TV show na Eat Bulaga.

As in zero daw siya sa raket simula nang mawala siya nitong buwan ng Hunyo sa EB, dahil kumbaga puro “work from home” daw ang naging tema sa nasabing TV program nila Bossing Vic Sotto, Joey De Leon at Tito Sotto alisunod na rin sa patakaran ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.

Wala naman umano siyang sama ng loob sa mga producers kung siya man daw ay inalis sa production katulad nang nangyari sa ibang kasamahan niyang sina Wally Bayola at Ruby Rodriguez.

Si Jimmy ay nasa San Antonio, Nueva Ecija kahapon at dumalaw kay Mayor Arvin C. Salonga sa kanyang opisina upang mangumusta sa alkalde.

May dala siyang pasalubong ng ilang kahon ng ensaymada para kay mayor na malugod naman itong tinanggap at nagsabing, “Salamat Tito Jim.

Makati City Pabakuna

Sabi ng komedyante, madalas siya saSan Antonio dahil lagi silang naiimbitahan ni Salonga kung may piyesta at mga palaro.

Sa loob ng 36 years niya sa showbiz, dagdag ng komedyante, ngayon lang daw siya inabot nang ganito na “walang-wala.” “Walang trabaho, walang business, as in wala,” sabi pa niya.

Talagang tinamaan lahat, walang dapat sisihin. No regrets tayo dito sa pandemic, lahat tinamaan, mayaman man o mahirap. Iyung mga mahihirap nga mas grabe kawawa sila, pati mga construction worker, kaya nga kapag may ayuda ang haba ng pila. Tayo nahihirapan din eh di mas lalo na iyung mga maliliit,” sabi ni Jimmy.

Inamin din ni Jimmy na tinawagan umano siya ng sikat na TV series na FPJ “Ang Probinsyano” ni Sir Coco Martin ngunit tinanggihan niya ang offer nito dahil wala daw uwian at walang makakasama ang kanyang kabiyak sa bahay bukod pa sa rate na ini-offer sa kaniya.

Ilang taon ka na sa show business, ganoon pa din ang gusto nila (offer), eh wala, di ko din sila masisisi, dahil nagsarado nga ang ABS-CBN.Saka walang uwian, eh walang kasama asawa ko di pupuwede kako tapos, is-sa-swab ka, tapos walang uwian sa location hanggang di tapos ang parte mo, eh dito na lang ako walang kasama asawa ko,” dagdag pa niya.

Publication Source :    People's Tonight
Steve A. Gosuico
Past President, Nueva Ecija Press Club, Inc.