Home>Entertainment>Showbiz>Jona napag-iwanan na nina Aicelle at Maricris

Jona napag-iwanan na nina Aicelle at Maricris

Maricris Garcia and TJ Cruz

SA tatlong original members ng La Diva sa bakuran ng GMA, tanging si Jona (Jonalyn Viray) na lamang ang single samantalang ang dalawang dati niyang kasamahan sa grupo na sina Aicelle Santos at Maricis Garcia ay pareho nang may asawa at tig-isang anak.

Aicelle (Pinoy Pop Superstar first grand winner) got engaged to broadcast journalist Mark Zambrano nung March 7, 2018 and got married November 16, 2019 in San Juan, Batangas. It was in July 2020 when the couple announced that they’re having a baby at nung December 5, 2020 ay isinilang si Zandrine Anne.

 Maricris Garcia and TJ Cruz
Baby Adaiah Denice

Ang singer-actress na si Maricris Garcia (3rd Pinoy Pop Superstar champion) got married ahead of Aicelle. Siya’y ikinasal sa kanyang non-showbiz husband na TJ Cruz nung December 16, 2016 after their engagement nung January 25, 2016 habang sila’y nagbabakasyon sa Baguio City. The engagement came a day before their 4th anniversary bilang magkasintahan nung January 26. Nung May 2020 ay ibinalita ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Maricris. At nung nakaraang January 12, 2021 ay isinilang ng singer-actress ang kanilang first baby ng kanyang husband na si TJ na si Baby Adaiah Denise Garcia, ang first celebrity baby born this January 2021 who came after four years of being married.

Jenine grandma at 50

Jenine Desiderio
Jenine Desiderio

DOUBLE milestone ang dumating sa veteran singer-actress na si Jenine Desiderio when she celebrated her golden birthday (50th) sa United Kingdom last September 23 kasama ang mga anak na sina Janella Salvador at Russel, boyfriend ni Janella na si Markus Paterson at English dad nitong si George Trevor Paterson at ang pagsilang ng kanyang unang apo na si Jude Trevor Paterson, first baby ng magkasintahang Janella at Markus nung October 20, 2020.

Although still young at 50 na maging granny, masayang tinanggap ni Jenine ang kanyang unang apo na si Baby Jude. Katunayan, ini-enjoy umano niya ngayon ang kanyang bagong role sa buhay, ang pagiging yaya ng kanyang apo.

Inaasahang babalik ng Pilipinas si Jenine kasama ang bunso niyang anak na si Russel, ang new parents na sina Janella at Markus at ang kanilang baby na si Jude kapag safe nang bumiyahe.

Although ini-enjoy pa nina Janella at Markus ang kanilang bagong role as brand new parents, babalikan din umano nila ang kanilang respective career sa Pilipinas.

Si Maja ang unang nakaalam ng pagbubuntis ni Janella

SAMANTALA, ang tiyahin pala ni Janella na si Maja Salvador ang unang nakaalam sa pagbubuntis nito (Janella) na takot at that time na sabihin sa kanyang inang si Jenine Desiderio ang lahat. Nalaman lamang umano ito ni Jenine much later.

Although they were not as close before, naging extra close sina Maja at Janella nang magkasama sila sa hit primetime TV series na “The Killer Bride”.

Ang late father ni Maja, ang aktor na si Ross Rival who is a Salvador at ang tatay ng ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador ay magpinsan.

Kathryn at Daniel wala pang balak magpakasal

SA kabila na magna-nine years na ang relasyon nina Kathryn Bernardo (24) at Daniel Padilla (25), wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal.

Makati City Pabakuna

Bukod sa pareho pa nilang ini-enjoy ang kanilang relasyon bilang magkasintahan, meron pa umano silang respective goals na nais nilang matupad.

Although pareho nang financially stable sina Kathryn at Daniel, naniniwala ang dalawa na tamang panahon ang lahat lalo na ang pagkakaroon ng pamilya.

“We’re still both young to settle down at marami pa kaming gustong gawin before that happens,”pahayag ni Kathryn na isa ring successful entrepreneur bukod sa kanyang pagiging consistent box office star.

Ayaw ding magbigay ng timeline sina Kathryn at Daniel kung kailan ito mangyayari dahil mararamdaman na lamang daw nila when they’re both ready.

One month apart ang respective birthdays nina Kathryn at Daniel. On March 26 ay 25 na si Kathryn habang magtu-twenty six naman si Daniel on April 26.

Mga TV5 program na mabilis nagpaalam

Luchi Cruz-Valdez
Luchi Cruz-Valdez

TIYAK na nalungkot ang veteran radio and TV journalist ng TV5 na si Luchi Cruz-Valdez sa maagang pagpapaalam sa ere ng kanyang “Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdez” na nung October 2020 lamang nagsimula pero ito’y nagtapos na nung nakaraang January 9, 2021.

Pokwang, Ria Atayde and Pauleen Luna-Sotto
Pokwang, Ria Atayde and Pauleen Luna-Sotto

Ang isa pang programang maagang nagpaalam sa ere ay ang daily morning show na “Chika BESH (Basta Everyday Happy)” nina Pokwang, Ria Atayde at Pauleen Luna-Sotto. Ang nasabing programa na nagsimula rin sa TV5 nung nakaraang October ay nagtapos naman nung January 8. 2021.

Rey at Jojo pumirma sa Viva

Rey ‘PJ’ Abellana and Jojo Abellana
Brothers Rey ‘PJ’ Abellana and Jojo Abellana

LUMAGDA ng exclusive management contract with Viva Artists Agency (VAA) ang magkapatid na singer-actor na sina Rey `PJ’ Abellana at Jojo Abellana nung nakaraang Wednesday ng hapon, January 13, 2021.

Although matagal na sa industriya sina PJ at Jojo, kailangan pa rin nila ng mangangalaga sa kanilang respective careers tulad ng Viva na na may iba’t ibang platform and good relationship with all the TV networks.

Si PJ ay isa sa mga original `Liberty Boys’ talents nung dekada 80 ng yumaong veteran entertainment writer and talent manager na si Alfie Lorenzo. Nakilala ang kanyang palayaw na PJ sa role na kanyang ginampanan sa long-running TV series in the 80’s, ang “Anna Liza” na pinagbidahan ng yumaong young star noon na si Julie Vega. Kilala rin si PJ bilang ama ng Kapuso singer-actress and celebrity endorser na si Carla Abellana habang si Jojo ay nagsimula sa bakuran ng now-defunct youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong star builder and Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno kung saan nabuo ang dati nilang love team ng kanyang ex-girlfriend and first love na si Jennifer Mendoza.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger