Home>Entertainment>Showbiz>Julie Anne double win sa 6th Wish Music Awards

Julie Anne double win sa 6th Wish Music Awards

Julie Anne San Jose

NANALO si Julie Anne San Jose ng dalawang pangaral sa 6th Wish Music Awards nitong Linggo, January 17.

Naiuwi ng Asia’s Pop Diva ang Wishclusive Contemporary R&B Performance of the Year para sa kanyang kantang “Nobela” at Wish R&B Song of the Year ang “Better.”

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Julie ng sobrang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanya. Aniya, “Maraming salamat @wish1075 for the recognition! May you continue to spread love and inspiration to everyone. Mabuhay ang OPM!!! Thank you adiks, and to everyone who voted! And for trending too. Solid kayo. Much much love.”

Samantala, may aabangang teleserye comeback ni Julie sa upcoming GMA News TV series, ang Heartful Café.

Alden’s Reality trending na naman

Alden Richards
Alden Richards

TRENDING topic ulit ang virtual reality concert ni Alden Richards matapos ang pag-ere nito sa telebisyon nitong Linggo (January 17) via “Alden’s Reality: The TV Special.”

Maraming fans ang talagang nag-request na mapanood ang sold-out virtual concert ng Asia’s Multimedia Star na ginanap last Dec. 8. Matatandaang noong mismong gabi ng concert ay trending ang #AldensReality sa Twitter.

Last Sunday night, pasok sa Philippines trends list ang official hashtag nito na #AldensRealityTheTVSpecial. Kabilang sa kanyang special guests sina Rodjun at Rayver Cruz at bandang December Avenue. Pati mga Kapuso abroad ay tumutok din via GMA Pinoy TV.

Ang “Alden’s Reality” ay produced ng GMA Synergy at handog ni Alden sa kanyang fans sa kanyang ika-10 taon sa showbiz.

Juancho graduate na, Joyce proud na proud

Juancho Triviño
Juancho Triviño

ACHIEVEMENT unlocked para sa Kapuso actor na si Juancho Triviño ang pagtatapos niya ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa De La Salle University.

Makati City Pabakuna

Dahil sa pandemic, virtual ang naging graduation ceremony ng kanilang batch nitong Sabado. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Juancho na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan para maka-graduate.

Aniya, nais niyang tuparin ang pangarap na ito para sa kaniyang mga magulang, “I wanted to finish what my parents worked so hard for me to go through, to put me in a good school and to provide for us. I became a working student going to class with no sleep and drinking vendo coffee to keep me awake and balance my sheets (accounting reference). Nagkakaroon din ng mga pagkakataon na galing Pangasinan dederecho ako sa school galing Unang Hirit, at kung late na late na, nag-aangkas ako.”

Well, may kasabihan nga na kapag may tiyaga, may nilaga. In Juancho’s case, kapag may tiyaga, may diploma. Siyempre, very proud sa kanya ang misis na si Joyce Pring.

The Lost Recipe trailer mahigit 1 million views, theme song nakaka-LSS

Mikee Quintos and Kelvin Miranda
Mikee Quintos and Kelvin Miranda

NAPAKAGANDA ng feedback sa “The Lost Recipe” na nag-pilot airing nitong Lunes sa GMA News TV. Ang full trailer nga ng bagong fantasy-romance series na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ay may higit 1 million views na sa loob lang ng ilang araw.

Bukod sa karakter nina Mikee at Kelvin bilang Apple at Harvey, inaabangan ang role nina Paul Salas, Thea Tolentino, kasama ang iba pang cast ng serye.

Samantala, marami rin ang na-LSS sa official soundtrack ng series na “Tumatakbo” mula sa bandang Mojofly. Ginawan din ito ng cover ni Paul. Patikim pa lang pala ito sa mga naggagandahang kanta na tampok sa The Lost Recipe. Bukod sa “Tumatakbo,” inawit din ni Paul ang isa pang aabangang kanta na “Tama Ba o Tama Na”.

Si Topper Fabregas na part ng programa at si Kapuso OST Princess Hannah Precillas ang boses sa likod ng kantang “No Matter What It Takes.” Ang finalist naman ng The Clash na si Jennifer Maravilla ang magbibigay tinig sa kantang “Abutin.”

Bukod sa mga ito, may iba pang mga kasunod na sorpresang awitin mula sa “The Lost Recipe” na napapanood Mondays to Friday, 8 p.m., sa GMA News TV.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal