Home>Entertainment>Showbiz>Kasal nina Luis at Jessy tahimik at emotional

Kasal nina Luis at Jessy tahimik at emotional

TUMAMA kami sa aming espekulasyon noon na mag-aasawa lamang ang kaisa-isang anak ng estranged couple na sina Vilma Santos at Edu Manzano na si Luis Manzano on or before his 40th birthday. The popular TV host-actor is turning 40 sa darating na April 21 pero bago pa man ito, Luis got engaged in October 2020 and got married (in an intimate civil wedding ceremony) last February 21, 2021. Pero nitong nakaraang April 4, Easter Sunday lamang nila ito ipinaalam sa publiko sa pamamagitan ng YouTube channel ng kanyang wife na si Jessy Mendiola kung saan ipinakita ang kanilang kasal.

Ang intimate civil wedding ceremony was officiated by Lipa mayor na si Eric B. Africa na ginanap sa The Farm sa San Benito, Lipa City. Naroon siyempre ang respective families ng bagong mag-asawa. Luis’ mom, Rep. Vilma Santos-Recto was with her husband na si Sen. Ralph Recto and their son na si Ryan Christian, ang nakababatang half-brother ni Luis. Present din siyempre ang kanyang dad na si Edu Manzano. Hindi naman nakadalo ang dalawang half-siblings ni Luis (sa father side) na si Adi at Enzo na parehong nasa New York, USA.

Sa simula pa lamang ng ceremony ay hindi na napigilan nina Luis at Jessy ang pagiging emotional at pareho silang naluha but that was tears of joy.

The couple plan to hold a church wedding sa birthday month ni Jessy in December this year. Jessy is turning 29 on December 3.

It was in June 2016 nang maging magkasintahan sina Luis at Jessy na parehong nanggaling sa magkahiwalay na break-up. Si Luis sa actress na si Angel Locsin habang si Jessy naman sa actor na si JM de Guzman sa kanilang second ang final break-up.

Bago pa man nangyari ang engagement nina Luis at Jessy in October last year ay sandali silang nag-break but reconciled again at kasunod na rito ang marriage proposal ng TV host-actor sa actress.

Bukod sa mga kaibigan ng couple, tuwang-tuwa sa pag-aasawa ng kanilang anak ang estranged parents ni Luis na sina Vilma at Edu laluna si Vi na matagal nang humihiling ng apo sa kanyang panganay na anak.

Samantala, kung kasal na sina Luis at Jessy, this year din nakatakdang ikasal ang ex-girlfriend ni Luis na si Angel Locsin at fiancé nitong producer-director at businessman na si Neil Arce.

Ang ex-boyfriend naman ni Jessy, ang actor na si JM de Guzman ay mukhang in a relationship ngayon sa kanyang `best friend’ at schoolmate sa University of the Philippines (UP) , ang actress na si Arci Munoz na ang huling boyfriend ay ang ex-boyfriend businessman ni Erich Gonzales na si Anthony Ng.

Makati City Pabakuna

Kauna-unahang digital awards night ng Eddys tagumpay

SA kauna-unahang digital event, matagumpay na nairaos ang ika-apat na taon ng Entertainment Editor’s Choice Awards na The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) last Easter Sunday, April 4.

Out of the awards given out, ang Metro Manila Film Festival movie na “Fan Girl” na pinagbidahan nina Paulo Avelino at Charlie Dizon mula sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone ang nakakopo ng most of the awards na nakapag-uwi ng 7 parangal mula sa Best Picture, Best Director (Antoinette Jadaone), Best Actor (Paulo Avelino), Best Actress (Charlie Dizon), Best Screenplay (Antoinette Jadaone), Best Sound (Vincent Villa) at Best Editing (Benjamin Tolentino). Tatlo naman ang nakuha ng pelikulang “Magikland” ng Brightlight Productions, ang Best Cinematography (Rody Lacap), Best Visual Effects (Richard Francis and Ryan Grimarez at Best Production Design (Ericson Navarro). Nag-tie naman sa Best Musical Score sina Kean Cipriano ng “On Vodka, Beers and Regrets” at si Paulo Protacio ng “The Boy Foretold by the Stars” maging ang Best Original Theme Song, ang “Ulan” ni Jhaye Cura at si Paulo Protacio ng “The Boy Foretold by the Stars”.

Si Edgar Allan Guzman ang tinanghal na Best Supporting Actor para sa pelikulang “Coming Home” habang si Shaina Magdayao na no show sa awards night ang tinanghal na Best Supporting Actress for the movie “Tagpuan”.

Ang Stars for All Seasons at Rep. Vilma Santos ang naging presenter sa Best Actress award na si Charlie Dizon habang si Dingdong Dantes naman ang nag-present ng Best Actor Award kay Paulo Avelino.

Ang OPM icon at hitmaker-actor na si Ice Seguerra naman ang naging over-all director.

Samanta, ang mga special awardees ay ang sumusunod: Isah V. Red (kauna-unahang SPEEd president) awards ay sina Ramon Ang, Sen. Bong Revilla, Kim Chiu, Angel Locsin, Claire de Leon-Papa at ang Beautederm lady boss na si Rei Anicoche-Tan. Ang recipient ng Joe Quirino Award ay ang veteran entertainment columnist na si Lolit Solis, Manny Pichel awardee is Mario Bautista, ang Black Sheep ang ginawaran ng Rising Producer Circle Award habang ang The IdeaFirst Company naman ang Producer of the Year awardee.

Sa lahat ng winners and awardees, congratulations!

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and on Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger