Home>Editorial>Miscellaneous>Kaso ni Vhong Navarro, I-raffle na – Citizens Crime Watch
Miscellaneous

Kaso ni Vhong Navarro, I-raffle na – Citizens Crime Watch

Isang rally ang isinagawa ng Citizens Crime Watch (CCW), sa pamumuno nina Jigs Magpantay at Atty. Ferdie Topacio, sa harapan ng Taguig City Hall of Justice kahapon kaugnay ng rape case na kinakaharap ng movie and TV personality na si Vhong Navarro.

Ito ay upang iprotesta ang diumano ay patuloy na pagtanggi ng Executive Judge ng Taguig RTC na i-raffle ang rape case laban kay Ferdinand “Vhong” Navarro.”

Matatandaang naghain ng apela sa Court Appeals (CA) ang kampo ng TV host na Navarro kaugnay ng kasong rape na isinampa laban sa kanya ng Taguig City Prosecutor’s Office ngunit ayon kay Topacio, wala na itong dapat na maging epekto pa.

Sa motion for reconsideration na inihain ni Navarro, hiniling nito ang pagpapatigil sa pagpapatupad ng desisyon.

“Kinilala at inaksyunan na ng korte ang motion for reconsideration sa pamamagitan ng mga resolusyon kung saan pinapasagot si Ms.[Deniece] Cornejo sa motion for reconsideration at pati na rin sa impormasyon na pinakakasuhan na si Mr. Navarro,” ayon sa kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga.

Sinabi pa ni Mallonga na itinigil ni Taguig Regional Trial Court Executive Judge Antonio Olivete ang pag-raffle ng kaso o pag-assign ng judge na didinig nito dahil sa kanilang inihaing mosyon.

Matatandaang kinasuhan ng rape ni Cornejo si Navarro sa prosecutor’s office noong taong 2014.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.