Home>News>Provincial>Kasundaluhan Pinatunayan ang Mandato sa Panahon ng Delubyo
Provincial

Kasundaluhan Pinatunayan ang Mandato sa Panahon ng Delubyo

NOLCOM Typhoon Karding
The 91st Infantry (Sinagtala) Battalion led the humanitarian assistance, recovery and response operation in the affected area of Super Typhoon Karding in Aurora.

Hindi Alintana ng mga Kasundaluhan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang peligro maisakatuparan lamang ang kanilang mandato, sa paghagupit ng bagyong Karding ay pinangunahan nila ang pagreresponde at pagsasagawa ng Humanitarian Assistance Disaster Response Operations (HADRO) sa mga apektadong lugar na kanilang mga nasasakupan noong Setyembre 26, 2022.

Sa Bulacan, nagsagawa ng clearing operations ang mga tauhan ng 70th Infantry (Matapat at Matatag) Battalion kasama ang local government unit sa mga apektadong lugar sa lalawigan.

Sa Tarlac, ang Disaster Response Unit ng 31st Mechanized Company ng 3rd Mechanized Infantry (Makatarungan) Battalion ay nagsagawa ng paglilinis ng mga nabunot na puno sa paligid ng Tarlac Provincial Capitol sa Barangay San Vicente, Tarlac City. Habang ang Disaster Response Unit Team nito sa Zambales, kasama ang 306th (ZAM) Community Defense Center, ay nagsagawa ng evacuation assistance para sa mga apektadong residente ng Barangay Cadmang, Mabanglet, at Apo-Apo, lahat sa Cabangan, Zambales.

NOLCOM Typhoon Karding
The personnel of 70th Infantry (Matapat at Matatag) Battalion together with the local government unit conducts clearing operation in affected areas of Bulacan on September 26, 2022 after the onslaught of Super Typhoon Karding.

Samantala, pinangunahan naman ng 91st Infantry (Sinagtala) Battalion ang humanitarian assistance, recovery, at response operation sa mga apektadong lugar ng Super Typhoon Karding sa Aurora. Ang Delta Company, 91IB ay nagbigay ng manpower assistance kasama ang mga tauhan ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) sa Barangay Dimanayat, San Luis, Aurora at nagsagawa din ng clearing operation sa National Road sa munisipalidad ng Dingalan.

Gayundin, nagsagawa ng relief operations ang 91IB kasama ang local government unit ng Aurora para magbigay ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga apektadong residente ng Aurora.

Bago pa man ang pananalasa ng bagyong karding ay nagsagawa ng preemptive evacuation ang Alpha Company ng 91st Infantry Battalion at mga lokal na opisyal ng barangay sa Barangay Ibona, Dingalan. Habang inilikas ng Charlie Company ng 91IB at mga lokal na opisyal ang 13 na pamilya ng Purok 1, at Purok 7, Barangay Diteki, San Luis Aurora noong Setyembre 25, 2022.

Sa kabilang banda, nagsagawa naman ng clearing at relief operations ang Disaster Response and Recovery Operations team ng 84th Infantry (Victorious) Battalion, Philippine Army sa mga apektadong lugar ng Super Typhoon “Karding” sa Nueva Ecija.

Samantala, ang Northern Luzon Command (NOLCOM) Disaster Response Teams ay gising bente kwatro oras upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng lahat ng apektado at upang mapabilis ang paghahatid ng mga relief supply at iba pang mahahalagang serbisyo sa mga apektadong komunidad.

NOLCOM Typhoon Karding
The Disaster Response Unit Team of 3rd Mechanized Infantry (Makatarungan) Battalion together with Zambales Police Provincial personnel and 306th (ZAM) Community Defense Center conducted evacuation assistance for the affected residents of Barangay Cadmang, Barangay Mabanglet and Barangay Apo-Apo all of Cabangan, Zambales on September 26, 2022.
Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph