Home>News>Metro>Kelot na rider, todas sa babaeng rider sa bangaan ng motorsiklo
Metro

Kelot na rider, todas sa babaeng rider sa bangaan ng motorsiklo

Patay ang isang rider habang sugatan ang tatlo pang katao, kabilang ang babaeng driver at kani-kanilang mga backride, matapos na magkabanggaan kahapon ng madaling araw sa eastbound lane ng Quirino Avenue cor Mabini Street sa Malate,Maynila.

Kinilala ang nasawing rider na si Orly Magtibay alyas ‘Franky,’ driver ng Honda click motrcycle na may plakang 7330 IW at sugatan naman ang backride nitong kapatid na si Aldrin, 23.

Sugatan rin ang rider na si Regine de Leon, 30 at ang backrider nitong si Kristine Marie Templa, 21, na kasamang tumilapon ng magkapatid dahil sa lakas ng impact ng banggaan.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente ala- 1:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Sa ulat, binabagtas ni Madrigal ang eastbound lane ng Quirino Ave,Malate at pagsapit sa panulukan ng Mabini, nabangga nito ang kanang bahagi ng motorsiklo ng biktima na galing naman sa westbound.

Sa lakas ng impact ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo si Orly na sanhi ng agaran nitong kamatayan, habang sugatan naman si de Leon at kani-kanilang backride.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property si De Leon sa Manila Prosecutors Office(MPO).

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.