Home>News>Kotse, naiwang nakatagilid patayo sa bangaan
News

Kotse, naiwang nakatagilid patayo sa bangaan

Bangaan

PATAYONG nakatagilid naiwan ang isang Toyota Vios matapos na magkasagian sila ng isang Honda Jazz Lunes ng umaga sa northbound lane ng Roxas Boulevard sa harap ng Palacio De Manila sa Malate, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente alas- 7 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Lumitaw sa imbestigasyon na kapwa binabagtas nina Mark Jess Galicia, driver ng Honda Jazz na may plate number NQJ 532 ;at Joel Lara, driver ng Toyota Vios na may plate number AAN 4883 ang kalsada nang pagsapit sa lugar ay nagkasagian ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng impact ay nawalan ng control si Lara dahilan para umigkas ang kanyang sasakyan.

Wala namang tinamong pinsala ang dalawang driver pero kapwa nasira ang kanilang mga kotse.

Kapwa sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in damage of property ang dalawang driver.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.