Home>News>Nation>Lalaki binugbog hanggang tigok dahil sa cara y cruz

Lalaki binugbog hanggang tigok dahil sa cara y cruz

NADAKIP ng pulisya ang tatlong kalalakihan na diumano’y nambugbog hanggang sa mapatay ang kanilang kalaro ng cara y cruz.

Ang biktima ay nakilalang si Ronald Turingan Tarun, 42, may asawa, tricycle driver, tubong Cabagan, Isabela at naninirahan sa 125 Tulip St., Bgy. West Fairview, Quezon City.

Sa naantalang report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 3 a.m. (February 14) nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Tulip St.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Alex Jurado, nagsusugal umano ng cara y cruz ang biktima at ang mga suspek sa kahabaan ng Tulip St. nang magkapikunan.

Makati City Pabakuna

Nagkaisa ang mga suspek at pinagtulungang bugbugin ang biktima hanggang sa tuluyang duguang bumagsak ito sa semento na wala nang malay.

Naisugod pa ng mga kamag-anak ang biktima sa East Avenue Medical Center subalit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician.

Nitong Pebrero 15 naman ay isa-isang naaresto ang mga suspek na sina Jhonny Bedania, 26; Joseph Bedania, 22 at Jarey Bedania, pawang residente ng Tulip St., Bgy. West Fairview, sa lungsod.

Publication Source :    People's Tonight