Home>News>Nation>Lalaki pinagbabaril sa loob ng kotse, patay!

Lalaki pinagbabaril sa loob ng kotse, patay!

PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang isang hindi pa nakilalang lalaki habang lulan ng kaniyang kotse sa Bgy. Pasong Putik, Novaliches, Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Ang di-pa nakilalang biktima ay lulan ng gray na Nissan Almera na may plakang NCM 2935.

Sa inisyal na report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang ala-1:40 p.m. (December 29), nang maganap ang pamamaril sa Sampaguita St., Maligaya Park, Bgy. Pasong Putik Novaliches, Quezon City.

Makati City Pabakuna

Ayon kay Patrolman Jayson Malvar, binabaybay umano ng biktima ang nasabing lugar nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo at agad na pinagbabaril ang biktima.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspek dala ang armas na ginamit sa pananambang.

Hanggang sa isinusulat ito ay patuloy pang nagsasagawa ng imbestigayon ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

Publication Source :    People's Tonight