Home>News>Nation>Lalaki winasak ang mukha sa bugbog, dedo

Lalaki winasak ang mukha sa bugbog, dedo

POSIBLENG hinubaran muna ang isang lalaki bago pinatay sa bugbog sa isang bakanteng lote sa Quezon City.

Wasak umano ang mukha ng hindi pa nakikilalang biktima.

Sa report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 3:30 p.m. nang madiskubre ang duguang katawan ng biktima na walang saplot na pang-ibaba sa loob ng abandonadong tindahan sa K-H Street, malapit sa kanto ng Kamias Road, Barangay East Kamias, QC.

Makati City Pabakuna

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Morshid D. Tanog, nagsasagawa umano ng pag-iinspeksiyon ang guwardiyang si Raymond Espino nang mapansin na wasak ang wooden gate nang binabantayang lugar.

Pumasok umano ang guwardiya upang ayusin ang nawasak na gate subalit napansin niya ang short pants na nasa ibabaw ng bintana. Nang kaniyang silipin ay nakita niya ang duguang katawan ng lalaki na walang saplot.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa hustong gulang, may taas na 5’5, payat, at may mga tattoo na “heart-shape” at “heart-shape with wings” sa kaliwa at kanang bisig.

Publication Source :    People's Tonight