Home>News>Nation>LCSP: Community pantries suportahan

LCSP: Community pantries suportahan

SUPORTAHAN ang community pantries! Red scare o red-tagging sa mga nag-organisa itigil na!

Ito ang panawagan nin Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP).

Full support din ang LCSP sa Maginhawa Community Pantry at mga katulad nito sa buong bansa at talagang kitang kita na nakakatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Sa interview, sinabi ni Inton na kasama nya ang Murphy Fire Brigade Volunteer sa kanilang pinagsama-samang donation. Sila ay namili sila ng mga sari-saring paninda sa mga vendors.

Ayon kay Inton, ang nakakatuwa at nakakataba ng puso nung malaman ng mga vendors na idodonate nila sa Maginhawa Community Pantry ang mga binili nilang mga paninda, ibinigay sa 1/2 price ang mga presyo ng kanilang pinamili.

Makati City Pabakuna

Bukod pa anya dito nagbigay din ang mga vendors ng kanilang mga paninda ng donation para sa MCP, saad ni Inton.

Talagang nakakataba ng puso at nakakagalak kasi yung pinagsama-sama naming donation na P50,000, nadoble dahil sa ibinigay na discount ng mga vendors para idonate sa Maginhawa Community Pantry.

Kaya pakiusap ng LCSP tigilan na ang red tagging at magtulungan na lang ang lahat ngayong panahon ng pandemya.

Sa panahon ng COVID19 at gutom ang problema wala tayong kulay pulitika na dapat pang tingnan. Pula, puti, dilaw asul – lahat yan ay kulay na nasa bandila ng Pilipinas, ano Inton.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight