Home>News>Nation>LCSP hiniling probe sa PMVIC implementation

LCSP hiniling probe sa PMVIC implementation

HUMIHINGI ng malinaw na sagot ang isang commuter at transport group sa maraming tanong sa controversial full implementation ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), hinihiling nila sa Senate at House of Representatives na magsagawa agad ng malalimang investigation sa full implementation ng PMVIC sa ilalim ng roadworthy program ng Department of Transportation (DOTr.)

Ayon kay Inton, araw-araw inuulan ng reklamo ang LCSP sa controversial na PMVIC dahil sa samot samong problema sa mga motorists bukod sa mahal pa ang singil.

Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para daw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag aralan bang mabuti ito?,” tanong ni Inton. “May pending investigation pa sa Committee on Transportation ni Cong. Sarmiento tungkol sa PMVIC! Wala pa nga lang resolution dahil nahinto ang mga meetings dahil sa pandemya.

Makati City Pabakuna

Tinatanong din ni Inton si Congressman Rodante Marcoleta kung ano nagyari sa ginawa nitong investigation sa PMVIC.

Tanong din ng LCSP kung saan napunta ang sinasabing P800 million budget para sa programa, ani Inton.

Dapat din po malaman ng taumbayan kung sinu-sino itong mga namuhunan ng P60M bawat isang PMVIC. Kanino ngayon babawiin ang halagang ito na pinuhunan nila? Eh diba sa taumbayan na naman na bugbog na sa gastusin! Kaya naging napakamahal ngayon ng kailangang bayaran ng mga tao para makapagrehistro ng kanilang mga sasakyan. More or less 450% ang itinaas. Bukod pa ang gastusin sa ipapagawang sira ng kanilang sasakyan na makikita sa PMVIC inspection. Sa haba ng pila sa PMVIC, masasayang din ang isang araw dahil mawawalan ng sweldo ang tao dahil kailangang lumiban sa trabaho. Kailangang imbestigahan ito ng Congreso at Senado, “ dagdag ni Inton.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight