Home>News>Metro>Libreng sakay sa Maynila dahil sa baha
Metro

Libreng sakay sa Maynila dahil sa baha

Atty. Princess Abante
Ipinakikita sa larawan si (pangalawa mula sa kaliwa) Atty. Princess Abante, ang bagong-talagang spokesperson ni Mayor Honey Lacuna, kasama sina (mula kaliwa) Barbie Atienza at Councilor Philip Lacuna. (JERRY S. TAN)

Nagkaloob ng libreng sakay ang pamunuan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRMMO) sa pamumuno ng hepeng si Arnel Angeles at Manila Police District (MPD) para sa mga istranded na pasahero, matapos na ilang lugar sa Maynila ang binaha dahil sa malalakas na pag-ulan na naranasan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan..

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, ang libreng sakay ay mula Vito Cruz, Taft Avenue hanggang Monumento at Welcome Rotonda hanggang Divisoria.

“Libreng Sakay po under MDRRMO and MPD po. Vito Cruz, Taft Avenue po to Monumento Welcome Rotonda po saka Divisoria,” ayon kay Abante.

Ayon sa ulat ng MPD at MDRRMO, nabatid na hanggang alas-12 ng tanghali ay kabilang sa mga lugar na may baha ang Dimasalang/Aragon St. at Rizal Avenue/Recto na sakop ng MPD-Sta. Cruz Police Station (PS-3); at Ramon Magsaysay Blvd/Altura at España/Blumentritt na sakop ng MPD-Sampaloc Police Station (PS-4).

Bumaha rin sa bahagi ng Union St. at Peñafrancia corner P. Gil, Paco at Taft Avenue corner Padre Faura to UN Ave (Northbound), na sakop ng MPD-Ermita Police Station (PS-5); at A. Francisco to Tejeron, Quirino to P. Gil, at Pasigline to Sagrada Pamilya to A. Francisco, na sakop ng MPD-Sta. Ana Police Station (PS-6).

Gayundin, ang bahagi ng Jose Abad Santos/Antipolo St. at Jose Abad Santos/Tayuman St., na sakop naman ng MPD-Jose Abad Santos Police Station (PS-7); at Pedro Gil corner P. Quirino, Paco PNR Station, at P. Quirino northbound corner Tomas Claudio na sakop ng MPD-Pandacan Police Station (PS-10).

Baha rin sa main road ng Brgy. 649, Baseco Compound, sa Port Area na sakop ng MPD-Baseco Police Station (PS-13) at Bilibid Viejo tapat ng San Sebastian Church na sakop naman ng MPD-Barbosa Police Station (PS-14).

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph