Home>News>Provincial>Lider ng DI Turaife Group sugatan sa engkwentro sa Maguindanao, bilang ng napatay nadagdagan
Provincial

Lider ng DI Turaife Group sugatan sa engkwentro sa Maguindanao, bilang ng napatay nadagdagan

DI Turaife Group

Camp Siongco, Awang, DOS, Maguindanao – Nadagdagan pa ng isang teroristang napatay matapos ang ginawang preemptive military operation ng mga kasundalohan ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division sa Sitio Patawali, Barangay Ganta, Datu Salibo, Maguindanao kung saan sugatan ang lider na si Abu Turaife noong May 23, 2022.

Ayun kay BGen. Eduardo Gubat, Acting Division Commander ng 6ID at JTF Central, kinilala nito ang nasawi na isang Abdul Patir, myembro ng BIFF-Karialan Faction base sa mga impormasyong nakalap mula sa mga residente sa lugar. Una nang nasawi sa operasyon si Sadam Salandang na myembro ng nasabing grupo sa ilalim ng isang alyas Robot. May tinatayang 17 sugatan na mga myembro nito kasama ang lider na si Abu Turaife na namataang dala-dala ng kanilang mga patakas na kasamahan.

“Tiniyak naman natin na hindi malalagay sa peligro ang buhay ng mga residente dahil sa pagnanais ng ating kalaban na maglagi sila sa lugar. Siniguro naman ng ating mga kasundalohan na nasusunod parin ang karapatang pantao na pinapairal natin. Hindi lamang sa mga residente pati na sa mga nakasagupa ng ating pwersa”, ayon pa kay BGen. Gubat.

May panawagan naman ang pamunuan ng 6ID at JTFC sa mga natitirang myembro ng teroristang grupo na iwaksi na nila ang kanilang koneksyon at magbalik-loob na sa pamahalaan alang-alang sa kanilang iniwang pamilya.

DI Turaife Group BIFF

“Those weakened BIFF-Karialan Faction members who remain entangled in their twisted violent ideology and terroristic ways must surrender now as the JTFC will always be relentless in its operations and we will hunt them down until the last terrorist element is prevented from waging violence and intimidation to our peace-loving communities in the province of Maguindanao”, dagdag pa BGen. Gubat.

Ayon naman kay Col. Oriel Pangcog, 601st Infantry (Unifier) Brigade Commander, nagpapatuloy ang ginagawang monitoring ng tropa ng gobyerno sa lugar para hindi na muling maghasik ng gulo ang teroristang BIFF.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph