Lockdown ginawang tulay ng alumni group upang magbigay ng tulong

May 31, 2020

SA paglagay sa maraming lugar sa General Community Quarantine (GCQ), maraming nangangailangan ang nagpapasalamat sa isang alumni association dahil sa tulong na ibinigay sa kanila sa panahon ng lockdown.

Inilunsad ng alumni ng Sta. Teresa College sa Bauan, Batangas, noong Abril 2020 ang kanilang programa na may temang Tulong Teresian, isang humanitarian mission na namigay ng ayuda sa mga nangangailangan sa panahon ng lockdown dahil sa pandemic. Ang alumni ay ginabayan ng mga pananalig ng kanilang institusyon. Ito ay malasakit, responsibilidad at serbisyo.

Si Atty. Nicasio Conti, dating hepe ng Presidential Anti-Graft Commission, at presidente ng Sta. Teresa College Alumni Association, ang nanguna sa pagtulong sa mga kapwa Teresians. Ginamit nila ang online platform upang maabot ang iba’t ibang miyembro ng alumni community.

“Our Tulong Teresian program became possible even when I was in Manila during the period of quarantine, and the Facebook group administrators are miles away as they are located in various parts of the globe — USA, Canada, Singapore and the Philippines.  The time difference ensured that someone is glued to the Tulong Teresian FB page to sort requests and identify the recipient’s respective batches. The lists were downloaded to our operations center in Batangas for the preparation of relief packs. We have ready volunteer coordinators and distributors who rose to the challenge of ensuring that relief goods will reach our intended  beneficiaries: former teachers, alumni, faculty,  staff and non-teaching personnel as well as Teresian frontliners,” ani Atty. Conti.

Si Atty. Conti ay kasama rin sa mga na-lockdown sa Maynila noong panahon ng ECQ. Ngunit nakahanap pa rin siya ng paraan na matulungwn ang kapwa niya Batangueno sa pangalawang distrito sa pamamagitan ng pagbigay ng relief goods — bigas, canned goods, gatas, biscuit, noodles at mga itlog. Nakapagbigay siya ng 3,000 relief packs sa ilalim ng Tulong Teresian program.

“Distance is not a hindrance if you really want to help others and make a difference in their lives,” diin ni Atty. Conti.

Nagkaroon din si Atty. Conti ng dual role sa pagtulong sa kanyang kapwa Batangueno at Teresian alumni na malampasan ang mga pagsubok, kung saan karamihan ay nawalan ng kita dahil sa lockdown. Nagbigay din siya ng online advise sa mga nagkaproblema sa pagkuha ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioriation Program.

Nagpasalamat ang mga netizen at kapwa Teresians sa Tulong Teresian group, lalong lalo na kay Atty. Conti para sa napakalaking tulong.