YouLOL mapapanood na

May 01, 2020
YoüLOL

MAGIGING masaya ang unang araw ng May dahil sa launch ng pinakabagong comedy channel ng GMA Entertainment Group na YouLOL. Sa launch nito, makakasama ng netizens sa isang livestream video ang kwelang cast ng ‘Bubble Gang’ sa May 1, 7PM, habang ang cast naman ng ‘Pepito Manaloto’ ay makikisaya live bukas, sa May 2, 7PM. Bukod sa mga livestream, aabangan din ang games, sketches, at iba’t ibang gags na iu-upload sa YouLOL. Pumunta lang at mag-subscribe  sa www.youtube.com/YouLOLGMA.