Pinaka-bonggang piyesta sa kalakhang Maynila

April 23, 2019
Aliwan Fiesta 2019
Aliwan Fiesta 2019

MAGSASANIB ng puwersa ang mga lungsod ng Maynila at Pasay upang itanghal ang pinaka-bonggang piyesta sa kapuluan — ang tinaguriang Aliwan Fiesta — na gaganapin mula ika-25 hanggang 27 ng Abril, sa ilalim ng Manila Broadcasting Company, Star City, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Ang taunang kapistahan ay sisimulan ng  Shoppers Bazaar at Pasakalye sa Sotto Street, kaharap ng Aliw Theater.  Dito magkakaroon ng mini concert ang Ben&Ben, Juan Karlos, This Band, at Extreme Lab.

Sa ika-26 ng abril naman maglalaban-laban ang naggagandahang dilag mula sa iba’t-ibang lalawigan para sa korona ng Reyna ng Aliwan, kung saan aawit din sina Christian Bautista at Jason Fernandez.  

Ang malaking paradang magtatampok sa iba’t-ibang kapistahan mula hilaga hanggang katimugan ng bansa ay gaganapin sa Sabado, ika-27 ng Abril, mula Quirino Grandstand  at babaybayin ang Roxas Boulevard patungong Aliw Theater sa CCP Complex kung saan gaganapin ang mismong streetdance at float competition.  Isang milyon ang nakalaaan sa magwawaging festival streetdancers, at kalahating milyon naman sa float design.  Tampok na panauhin ang 6 Cycle Mind at si Vin Abrenica.

Ang Aliwan Fiesta 2019 ay suportado ng Pride Detergent, Unique Toothpaste, White Rose Cojic Whitening Soap, Smart Dishwashing Paste, Star Wax, Tanduay, TM, Dunkin’ Donuts, Symdex D, Asian Institute of Computer Studies, Senokot, GES Led Lights, Whiteflower, at Nature Spring Mineral Water.  Para sa karagdagang detalye,  tunghayan ang Aliwan Fiesta official Facebook page, o ang website  www.aliwanfiesta.com.ph