Home>News>Provincial>“Loose firearms dapat lansagin” – MGen Galido
Provincial

“Loose firearms dapat lansagin” – MGen Galido

Loose firearms

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Iginiit ni Major General Roy Galido, Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division Commander na kailangan mahinto ang ‘culture of violence’ sa pamamagitan ng paglansag sa mga loose firearms sa bayan ng Pikit, Cotabato.

Sa ginawang Peace and Order Council Executive Committee (PPOC-ExeCom) Meeting noong October 17, 2022 sa Provincial Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City naglatag ng mga komprehensibong plano ang mga myembro nito pinangunahan ni PPOC Chair Governor Emmylou ‘Lala’ Taliño-Mendoza para matugunan at maresolba ang peace and security issues sa nasabing bayan.

May mga deployment ng mobile forces mula sa BARMM na siyang tututok sa mga barangay na napapabilang sa Special Geographic Area ng BARMM, paglikha ng 4-Cluster Police Station sa SGA-BARMM, pagsuporta sa decommissioning o balik-baril program, pagpapatupad ng gun ban policy at paghuli sa mga indibidwal na nagmamay-ari ng motorsiklo na walang lisensya o kaukulang dokumento na kadalasang ginagamit ng mga riding-in- tandem suspects.

Una nang sinabi ni Maj. Gen. Galido na ang kooperasyon ng bawat mamamayan sa SGA-BARMM at Pikit, Cotabato ay malaking bagay para maisakatuparan ang inilatag na plano para sa seguridad ng publiko.

Loose firearms

Ayon naman kay Gov. Taliño-Mendoza, kailangan na magtulungan ang Provincial Government ng Cotabato at BARMM para mapigilan ang kaso ng rido, shooting incident at harassment.

Nangako naman ng positibong tugon si Moro Islamic Liberation Front Ad Hoc Joint Action Group (MILF-AHJAG) Chair Anwar Alamada at MILF Chair of the Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) Butch Malang.

Makikipagtulungan rin sila sa tulong ng kanilang liderato sa Provincial Government sa pagresolba ng krimen at isyung pangkapayapaan sa bayan.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph