Home>Entertainment>Showbiz>Lovi Best Actress sa 10th International Film Festival Manhattan
Showbiz

Lovi Best Actress sa 10th International Film Festival Manhattan

Lovi Poe

TINANGHAL bilang Best Actress sa 10th International Film Festival Manhattan si Lovi Poe para sa kanyang pagganap bilang isang violent wife sa 2019 film na “Latay.”

Hindi makapaniwala ang aktres sa parangal na kanyang natanggap. “I have never portrayed the role of a violent wife to a battered husband. To say it was challenging is an understatement. I am fond of taking on off beat roles and doing projects like this that raises awareness about domestic violence, particularly towards men, which isn’t documented as much. Thank you Cinema Bravo and the International Film Festival Manhattan,” pahayag ni Lovi sa kanyang Instagram post.

Samantala, pakikiligin at patatawanin ni Lovi ang viewers sa upcoming romantic-comedy series ng GMA Public Affairs na “Owe My Love” kung saan kasama si Benjamin Alves.

Bukod sa love story ng dalawa, tatalakayin din ang financial literacy sa nasabing serye kung saan kasama rin sina Aiai delas Alas, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Nova Villa, Leo Martinez, Ruby Rodriguez, Pekto Nacua, Buboy Villar, Kiray Celis, Ryan Eigenmann, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Terry Gian, at Mahal.

Fans ni Alden, goin’ crazy sa kanyang upcoming single

OPISYAL nang nagsimula ang pre-order para sa newest single ni Alden Richards na ‘Goin’ Crazy’ under GMA Music at FlipMusic Productions.

Kabilang sa top trending topics sa Twitter ang hashtag na #AldenxGoinCrazyPreOrder nitong December 1, kung saan ibinahagi ng fans ng Kapuso star ang kanilang excitement at agad na pag-pre-order sa iTunes ng kanta.

Samantala, isang special debut performance ng ‘Goin’ Crazy’ ang inihanda ni Alden para sa mga manonood ng kaniyang 10th year anniversary concert na Alden’s Reality sa December 8. Almost sold out na ang tickets na mabibili through www.gmanetwork.com/synergy.

John may quick tour sa lock-in taping

John Estrada
John Estrada

NAGPAKITA si John Estrada sa kanyang Instagram followers ng isang quick tour sa lock-in taping ng upcoming Kapuso series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Sa video na ibinahagi ng aktor nitong Miyerkules, ipinasilip niya ang lugar kung saan sila kasalukuyang nakatira sa Batangas. Bago sumabak sa eksena, ikinuwento rin ng aktor ang ginagawa niyang exercise gaya ng pagtakbo.

Ayon pa kay John, challenging daw ang pagte-taping ng serye pero naiibsan ito dahil sa pag-aalaga sa kanila ng show at ng Kapuso Network.

“But seriously I really want to thank GMA especially the staff of Babawiin Ko Ang Lahat. Dahil medyo napakakumportable namin at sa amin po napakalaking bagay ng comfort dahil araw-araw kami nagta-trabaho. Sobrang draining, sobrang nakakapagod, so thank you GMA for this,” aniya.

Kasama ni John sa Babawiin Ko Ang Lahat sina Carmina Villarroel, Tanya Garcia, Dave Bornea, Manolo Pedrosa, Liezel Lopez, Kristoffer Martin, at ang lead actress na si Pauline Mendoza.