Home>Entertainment>Showbiz>Luis at Jessy malapit nang ikasal, sabi ni Ate Vi
Showbiz

Luis at Jessy malapit nang ikasal, sabi ni Ate Vi

Jessy Mendiola and Luis Manzano
Jessy Mendiola and Luis Manzano

JUST yesterday, pinag-usapan ang post ni Jessy Mendiola kung saan may suot itong diamond ring which looks like an engagement ring. Kaya agad nag-speculate ang netizens na engaged na sila ni Luis Manzano. Hindi naman ito nakapagtataka dahil kung ang estranged parents ng TV host-actor at entrepreneur na sina Rep. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano ang tatanungin, gusto na umano nilang mag-settle down ang kanilang anak at magkaroon sila ng apo.

Luis is turning 40 on April 21, 2021. Ang paniwala namin ay mag-aasawa na ito when he turns 40.

And what do you know? Nadulas si Ate Vi sa guesting niya sa Usapang Real Life ni Luchi Cruz Valdez. Nang tanungin siya ng TV host kung kailan nga ba ang kasal nina Luis at Jessy, mabilis na tinugon ito ng Star for All Seasons ng: “Soon, soon.”

Kapag nagkatuluyan sina Luis at Jessy ay magiging pamangkin na rin si Luis ng original `Miss Body Beautiful,’ ang veteran actress at Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si Vivian Velez dahil pamangkin nito si Jessy. Jessy’s mom Didith Garvida-Tawile is Vivian’s cousin.

Hopia at BF engaged na rin

Trina Legaspi and Ryan Jarina
Trina Legaspi and Ryan Jarina

SPEAKING of engagement, hindi naging hadlang ang pandemya sa pag-iibigan nina Trina `Hopia’ Legaspi (26) at ng kanyang non-showbiz boyfriend of six years na si Ryan Jarina. Nangyari ang engagement ng dalawa last Saturday, November 28 na may basbas ng kanilang respective parents.

Si Trina ay nagsimula bilang child actress ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at naging kapanabayan niya noon sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Mika de la Cruz, Nash Aguas at iba pa. Isa rin siya sa talents ng Star Magic.

Siya’y nagtapos ng Communication Arts sa Miriam College in 2016 at nagta-trabaho bilang financial advisor ng Sun Life.

After the engagement ay pinagpa-planuhan naman ngayon ng engaged couple ang kanilang wedding na nakatakdang mangyari sa isang taon.

Pagiging malapit ni Atty. Topacio sa mga babaeng kliyente tinatawanan ng misis

NABIBIGYAN ng ibang kahulugan ang pagiging extra close ng cosplayer, singer-actress, celebrity endorser at Big Winner ng PBB Teen Edition na si Myrtle Sarrosa sa celebrity lawyer na si Atty. Ferdie Topacio who produced her very first virtual concert na pinamagatang “Myrtle Sarrosa: Still Love Me” which was pre-taped live nung November 21 sa Teatrino in Greenhills, San Juan and was streamed last night.

Kung first virtual concert ito ni Myrtle, first time naman ni Atty. Topacio mag-produce ng concert at isa rin siya sa mga special guest ng Kapuso singer-actress along with Gerald Santos.

Si Atty. Topacio rin ang producer ng “Mamasapano” movie kung saan kasama rin sa cast ang singer-actress. Pero kapag tinatanong ang mahusay na abogado tungkol sa isyung ito ay natatawa lamang ito.

“Myrtle is a friend and I believe in her talent,” simpleng sagot ng abogado.

Sabagay, hindi ito ang first time na nali-link ang celebrity lawyer sa iba’t ibang celebrities at kasama na rito sina Claudine Barretto at ang Kapuso actress na si Bea Binene na naging mga kliyente niya bilang lawyer.

Apart from being a good lawyer, si Atty. Topacio ay isa ring singer, movie critic, a good writer and entertainment columnist ng isang kilalang broadsheet and is married to Judge Dinnah Aguila-Topacio ng Regional Trial Court of Manila.

Ayon kay Atty. Topacio, tinatawanan lamang umano ng kanyang misis kapag may nali-link sa kanya. Ilan sa mga prominent personalities na naging kliyente ni Atty. Topacio ay dalawang dating pangulo, sina former President Joseph `Erap’ Estrada at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo and former First Gentleman na si Atty. Mike Arroyo maging ang namayapang dating mayor ng Maynila na si Alfredo Lim. Siya rin ang legal counsel ng “Mamasapano” victims’ wives.

Tambalang Kira at Grae niluluto

Kira Balinger and Grae Fernandez
Kira Balinger and Grae Fernandez

MUKHANG `niluluto’ ngayon ng ABS-CBN ang bagong tambalan nina Kira Balinger (20) at Grae Fernandez (19) na napapanood ngayon sa sinusubaybayang primetime TV series sa Kapamilya Channel na “Ang Iyo ay Akin” na pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby.

Maganda ang chemistry nina Kira at Grae at kung maalagaang mabuti ang team-up ng dalawa ay malamang na tanghalin ang dalawa bilang isang mainit na loveteam balang araw.

Kira was in a relationship before with another Kapamilya young actor na si Ryle Santiago pero nag-drift apart ang dalawa bago man lamang tumatak na naging sila.

Since pareho pang bata sina Kira at Grae, dapat mag-focus muna sila sa kanilang respective careers at ayusin pa lalo ang kanilang acting para magtagal sila sa industriya.

Si Grae ay panganay na anak ng dating matinee idol na si Mark Anthony Fernandez at apo ng actress at dating politician na si Alma Moreno at namayapang action star na si Rudy Fernandez. Siya’y pang-apat na henerasyon sa pamilya Fernandez. Great grandfather ni Grae ang yumaong actor-director na si Dr. Gregorio Montemayor-Fernandez.

Watch, subscribe and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instragram @asteramoyo.

Comments are closed.