Home>Editorial>Opinion>Lumagay sa tamang lugar

Lumagay sa tamang lugar

MAY mga tao talaga, partikular sa mga kawani ng gobyerno, na mabigyan lang ng “kapangyarihan,” kahit “kapiranggot” lang, ay parang mga “langaw” na matapos dumapo sa likod ng “kalabaw,” ang “pakiramdam” nila, mataas pa sila sa kalabaw.

Katulad na lang ng nangyaring insidente sa NAIA-T2 noong Disyembre 28, 2020, kung saan kinuwestiyon nitong isang ‘PO2 Fiesta’ ng Philippine Coast Guard (PCG) ang awtoridad ng mga nakatalagang ‘customs officers’ sa ‘arrival area.’

Ngayon lang natin ito naisulat, dear readers, dahil kahapon lang natin natanggap ang kopya ng reklamo ng ating kaibigan na si NAIA deputy collector for passenger services, Atty. Lourdes ‘Dhess’ Mangaoang, na kahit “nakakatunaw maglambing,” eh, sadyang “palaban” basta nasa katwiran.

Ang kanyang opisyal na reklamo hinggil sa insidente at may petsang Enero 21, 2021, ay ipinaabot na niya kay PCG commandant, Admiral George Ursabia Jr.

Sa nakita naman nating ‘social media post’ ni kasamang Raoul Esperas, ang beteranong reporter sa NAIA, mahaba ang negatibong komento laban dito sa PCG, indikasyon na marami na rin talaga ang “nabubuwisit” sa kanila sa ating pambansang paliparan, aguy!

Ang tanong: Ang mga taga-BI kaya, kelan naman magrereklamo, hehehe!

Nalaman pa natin na bago pa ang insidente noong Disyembre 28, ‘sandamakmak na rin ang ginagawang “pananagasa” ng mga taga-PCG sa ‘customs functions’ d’yan sa NAIA— at kahit pa nga sa mga pantalan katulad ng POM, MICP, etc.

Kumbaga, “napuno” na siguro ang “salop ng pagtitimpi” ni Atty. Dhess, marahil dahil na rin kapwa-babae ang nabiktima ng ‘power trip’ nitong si PO2 Fiesta.

***

Ang pakikialam, ehek, ang panghihimasok, argh, ang pagpasok ng PCG sa BOC ay dahil sa ginawang ‘MOA’ (memorandum of agreement) ng BOC at PCG, sa ilalim ni BOC Comm. Jagger Guerrero.

Bago naitalaga na customs commissioner si Comm. Jagger noong Oktubre 2018, tandaan na siya ang administrador ng MARINA— Maritime Industry Authority— na may hurisdiksyon sa PCG.

‘Undermanned’ din naman talaga ang Aduana at upang epektibong magampanan nito ang tungkulin at maiwasan ang bintang na isang malaking “sindikato” ang BOC (read: to promote transparency), minabuti ni Comm. Jagger na “isali” sa operasyon ng BOC ang PCG, NBI at kahit pa nga ating mga sundalo (AFP).

At sa mga kinuhang ‘partner agencies’ ni Comm. Jagger, ‘most visible’ sa kanila ang PCG ‘because they are everywhere,’ wika nga.

Makati City Pabakuna

Aber, saan bang collection district at tanggapan ng Aduana na wala kang makikitang tauhan ng PCG, sige nga, BOCEA president, Rommel Francisco?

***

Sa ganitong umiiral na sitwasyon ngayon, marahil ay wasto lang na bigyan muli ng ‘re-orientation’ itong mga taga-PCG, kung “ano” ba talaga ang “papel” nila sa BOC, ano sa tingin mo, Comm. Jagger at PCG spokesman, Cmdr. Armand Balilo?

Hindi na kasi inilabas sa media ni Comm. Jagger ang nilalalaman ng nasabing ‘BOC-PCG MOA’ kaya mga “Bosing” na lang ang may alam kung ano ang “puwede” at alin ang “hindi.”

Sila ba ay nasa BOC “to assist” o… “to interfere on even purely customs matter?”

Translation? Talagang aabuso itong mga katulad ni PO2 Fiesta kung kahit siya, hindi alam ang dapat lang niyang gawin sa ilalim ng BOC-PCG MOA.

Bukod sa pagkuwestyon sa awtoridad ng BOC sa NAIA, marami na ring reklamo na pati ang binayarang buwis ng mga importer sa POM, MICP, etc., kinukwestyon nitong mga taga-PCG; pati “timbang,” deklarasyon, resulta ng X-Ray, etc., pinakikialaman nila.

Oh yes, Cmdr. Armand, marami nang insidenteng ganyan, sakaling hindi mo pa alam.

Kung wala namang balak si Comm. Jagger na palayasin, ehek, wakasan, ang kasunduan ng BOC sa PCG, eh, simple lang ang solusyon para walang “gulo:”

Dapat lumagay sa tamang lugar ang PCG.

Translation ulit? Wala na kayo sa “hulog” mga Bosing!

Abangan!

Publication Source :    People's Tonight