Home>Entertainment>Showbiz>Lyca gustong makasama si Sarah kaya lumipat sa Viva

Lyca gustong makasama si Sarah kaya lumipat sa Viva

Lyca Gairanod

IPINALIWANAG ng 16-year-old singer-actress na si Lyca Gairanod na binalikan umano niya ang kanyang pag-aaral kaya siya naging inactive sa kanyang career for a couple of years.

She’s now in her 8th grade.

Ang pop superstar na si Sarah Geronimo ang naging daan ni Lyca para mapunta sa Viva. Si Sarah ang naging coach ni Lyca nang siya’y tanghaling grand winner sa unang season ng “The Voice Kid Philippines” in 2014 and she looks up to Matteo Guidicelli’s wife as one of her idols.

“Gusto ko po talaga na maka-trabaho si Ate Sarah,” ani Lyca.

Ngayong 16 na si Lyca, ready na ba siyang magkaroon ng boyfriend?

“Ay, hindi pa po,” diin niya. “Gusto ko pong focus muna po ako sa studies at career ko.”

Nung pansamatalang huminto si Lyca sa kanyang career ay isa ang pagiging YouTuber ang kanyang pinagkaabalahan na malaki ang naitulong sa kanya at sa kanyang pamilya in a time na wala umano siyang kinikita.

Sa latest vlog ni Lyca ay ipinakita niya ang kanilang unang bahay, isang barung-barong sa Tanza, Cavite kung saan ngayon nakatira ang kanyang maternal grandma.

“Kahit hindi na po kami run nakatira, hinding-hindi ko po makakalimutan ang aking pinagmulan dahil doon po ako isinilang at nagkaisip,” pahayag niya.

Ngayong nasa bakuran na siya ng Viva, umaasa si Lyca na muli siyang magiging aktibo sa singing and acting career at may chance umano siyang maka-collaborate si Sarah at iba pang artists ng Viva.

‘Mindanao’ official entry ng Pilipinas sa Oscars

Mindanao
Mindanao

HINDI man nanalo sa box office ang war drama movie na “Mindanao” na tinampukan ng award-winning actors na sina Judy Ann Santos at Allen Dizon mula sa award-winning director and film producer na si Brillante Mendoza, humakot naman ang nasabing pelikula ng 11 awards mula sa 2019 Metro Manila Film Festival awards night kasama na rito ang Best Film at Best Actress for Juday. Ang nasabing mga parangal ay labas pa sa Best Actress Award na napanalunan ng misis ni Ryan Agoncillo sa Cairo International Film Festival. The movie was also screened sa Busan International Film Festival in South Korea maging sa 2019 Tokyo International Film Festival.

After a year of its release, ang pelikulang “Mindanao” ay napiling official entry ng Pilipinas sa Best International Feature Film sa 93rd Academy Awards na naurong to April 25, 2021 dahil sa pandemya.

Ang 93rd Academy Awards ceremony is going to be presented by the Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa Dolby Theater in Hollywood, Los Angeles, California, USA and will be covered by ABC (American Broadcast Company).

Patricia at Rob nagbunga ang pagsisikap

 Patricia Javier and Doc Rob Walcher
Patricia Javier and Doc Rob Walcher

HINDI ikinakaila ng singer-actress, beauty queen, entrepreneur at dating member ng “That’s Entertainment” ni Kuya Germs (Moreno) na si Patricia Javier that it was love at first sight ang nangyari sa kanila ng husband niya (of more than 15 years), ang chiropractor na si Doc Rob Walcher. Ang couple ay unang nagkita at nagkakilala sa isang concert ni Patricia in San Diego, California, USA in 2003. Doc Rob was introduced to her by a common Filipina friend.

Makati City Pabakuna

The following day, papunta sa isang lugar si Patricia (who was on a US concert tour at that time) habang si Doc Rob naman ay patungong San Francisco. The next morning at about 7 a.m. ay sinundo ni Doc Rob si Patricia at nag-breakfast at naglakad-lakad umano sila sa La Joya Beach in San Diego para lubos nilang makilala ang isa’t isa.

Bukod sa guwapo, matangkad at matipuno si Doc Rob, lalo umanong nainlab si Patricia nang makita niya ang blue eyes nito. A week later ay muli silang nagkita bago bumalik ng Pilipinas si Patricia. Months later ay sinundan siya ni Doc Rob sa Pilipinas para makilala ang kanyang pamilya at nagtungo rin umano sila ng Boracay.

For sometime, they carried a long distance relationship pero sa kalaunan ay halos sumuko na si Doc Rob dahil parang walang patutunguhan ang kanilang relasyon. He was in San Diego at nasa Pilipinas naman si Patricia. He wanted to end their relationship kahit seryoso siya singer-actress.

Na-realize ni Patricia kung gaano kahalaga at kung gaano niya kamahal si Doc Rob. Kinausap niya ang kanyang parents at pinayagan siyang lumipad pabalik ng San Diego. In 2005 ay nagpakasal ang dalawa sa San Diego at kasunod na rito ang pagkakaroon ng dalawang anak na parehong lalake.

It was in November 2014 nang mag-desisyon ang mag-asawa na mag-relocate sa Pilipinas and try it out here. Ibinenta ni Doc Rob ang kanyang chiropractic clinic at bahay sa San Diego to move to Manila, isang major decision na hindi nila pareho alam ang kahihinatnan.

It was tough sa una nilang isang taon dito. Sa simula, wala umano silang sariling sasakyan and have to take a cab each time na lalabas sila. Since sa bahay nina Patricia sa Antipolo sila tumutuloy dati, hitik ng kagat ng lamok ang mga bata and there were times na umiiyak ang singer-actress dahil sa awa sa kanyang mister at mga anak. Pero sa kanilang ikaanim na buwan ay unti-unting nagbago ang lahat dahil dinadayo na si Doc Rob for chiropractic treatment sa kanilang lugar sa Antipolo. Doon naisip ng mag-asawa na maghanap ng lugar in Quezon City and put up their first branch kasunod na rin ang kanilang paglipat ng kanilang tirahan also in QC.

Dahil isang kilalang personalidad si Patricia, siya na rin ang naging celebrity endorser and PR ng Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic hanggang makilala nang husto si Doc Rob now known as a celebrity chiropractic doctor.

Ang kanilang unang branch ng Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic ay nadagdagan ng tatlo pang branches in Makati, Alabang at Cavite and soon in Pampanga.

“We thank God for all the blessings coming our way pero gusto rin naming pasalamatan ang lahat ng tumulong sa amin at patuloy na sumusuporta sa aming services,” pahayag ni Patricia na isa na ngayong certified successful entrepreneur along with her husband na si Doc Rob.

“We are love and business partners,” natatawang pahayag ni Doc Rob na na-imbibe na ang Filipino culture magmula nang mag-relocate sila sa Pilipinas.

Lola ni Jake humihingi ng tulong

ANO kaya ngayon ang reaction ng mag-inang Raquel Pempengco at Jake Zyrus ngayong nagpa-video si Tess Pineda (ina ni Raquel at lola ni Jake) na may sakit para humingi ng tulong kina Raffy Tulfo, Jessica Soho at Boy Abunda?

It seems na hindi pa nare-resolve ang hidwaan ng pamilya dahil hindi man lamang daw nabibigyan ng tulong ang matanda.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” and follow my Instagram asteramoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger