Home>News>Provincial>Mag-ina nakuryente, patay sa Ilocos Norte

Mag-ina nakuryente, patay sa Ilocos Norte

PATAY ang mag-ina nang makuryente Linggo ng hapon sa Sitio Malatneg, Bgy. Liliputen, Pinili, Ilocos Norte.

Kinilala ng mga otoridad ang mga biktimang sina Tessie Salva y Agdeppa, 55, at ang anak na lalaki nito na nakilalang si Leonel Salva, 35, may asawa, parehong magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, nagdidilig ng mga pananim ang anak na si Leonel sa kanilang bukid habang ang kanyang inang si Tessie ay naliligo malapit sa kanyang anak, nang aksidenteng mahawakan ng ina ang isang kawad ng kuryente na nakakabit sa electrical pump at ito ay nakuryente.

Makati City Pabakuna

Aksidenteng nahatak naman ng ina ang kanyang anak na naging sanhi rin ng pagka-kuryente rin nito.

Idineklarang dead on arrival ni Dr. Harvey Lib-on ang mag-ina sa Karmeli Clinic and Hospital Incorporated sa Bgy. Apatut Lubong, Pinili.

Publication Source :    People's Tonight