Home>News>Metro>Magkasintahan nagulungan ng trak sa QC, dedo!

Magkasintahan nagulungan ng trak sa QC, dedo!

MAGKASAMANG nasawi ang isang magkasintahan nang magulungan sila ng truck habang magkaangkas sa motorsiklo sa Aurora Boulevard, Bgy. Dona Imelda, Quezon City kahapon.

Agad na nasawi ang mga biktimang sina Dominic Hernandez, 23, residente ng Mandaluyong City at kasintahang si Sancia Geron, 24, ng Punta, Sta. Ana.

Ayon kay Analisa Lucas, ng Bgy. Doña Imelda Health Emergency Response Team, galing Sta. Ana ang mga biktima at papunta sana sa Cubao nang araruhin ng isang container van na minamaneho ni Jericho Villarin ang motor siklong kanilang sinasakyan, dakong alas-12:30 ng tanghali sa Aurora Boulevard.

Makati City Pabakuna

Anang mga saksi, mabilis ang takbo ng naturang truck kaya nasagasaan ang mga biktima.

Samantala, nasugatan din sa paa ang amain ng babaeng biktima na kasabay din ng mga itong naka-motorisklo matapos mahagip. Hindi naman agad nakuha ang pangalan ng tiyuhin.

Naaresto ng mga awtoridad ang suspek at nasa kustodiya na ng QCPD Traffic 4 para sa pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injury sa piskalya.

Publication Source :    People's Tonight