Home>News>Provincial>Maguindanao PDC, PPOC, PADAC at PESWMB nagtagpo sa 3rd Quarter Joint Meeting
Provincial

Maguindanao PDC, PPOC, PADAC at PESWMB nagtagpo sa 3rd Quarter Joint Meeting

Maguindanao 3rd Quarter Joint Meeting

Nagtagpo para sa 3rd Joint Cluster Meeting ang Provincial Development Council, Provincial Peace and Order Council, Provincial Anti-Drug Abuse Council at Provincial Ecological and Solid Waste Management Board na ginanap sa AGILA Hall, Provincial Capitol Extension Office, Buluan, Maguindanao nitong Setyembre 2, 2022.

Dumalo sa nasabing programa ng Maguindanao Provincial Government ang Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, Major General Roy Galido kasama ang Triad Staff.

Layunin ng pagpupulong upang matalakay ang mga mahahalagang usapin na nakapalibot sa bawat cluster na dinaluhan ng mga opisyal at representante.

Tinalakay ng PDC ang estado ng electrification, executive and legislative agenda, food security plan at preparasyon sa nalalapit na plebisito sa probinsya ng Maguindanao.

Maguindanao 3rd Quarter Joint Meeting

Habang prinesenta naman ng PPOC ang Peace & Order, and Public Safety Updates, Crime Rate Statistics ng bawat munisipyo, full incident report at mga ginawang hakbang sa nangyaring insidente sa Ampatuan, Maguindanao na ikinasawi ng dalawang pulis at Security Preparation sa nalalapit na plebisito.

Napag-usapan din sa PADAC ang drug clearing status update, audit result at ELA policy.

Nagbigay din ng mga updates ang PESWMB sa proposed clustering ng Sanitary Land Fill o SLF.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph