Home>Entertainment>Showbiz>Maja unang talent ng sariling management company

Maja unang talent ng sariling management company

AFTER 17 years of being managed by Star Magic ng ABS-CBN, ang singer, actress, dancer Maja Salvador ay nagtatag ng kanyang sariling talent management company called Crown Management Corporation kung saan kabilang ang kanyang boyfriend na si Rambo Nunez, ang ina ni Rambo na si Marilen Nunez at dalawa pang ex-ABS-CBN executives na sina Mikki Gonzales at Khai Liclican. Si Maja bale ang magiging unang talent ng artist management company ng kanyang itinatayo.

Ang idea ng pagtatayo ng sariling talent management company ay nabuo nung ma-lock down si Maja with her boyfriend and family sa Palawan. Humingi rin ng basbas ang actress-dancer sa dating bosses ng Star Magic na sina Mr. M. (Johnny Manahan) at Mariolle Alberto.

Umalis man sa pangangalaga ng Star Magic si Maja, she will be forever grateful sa kanyang dating home studio na naging tahanan niya sa loob ng 17 taon.

Anak ni Henry Sy Jr. maagang pumanaw

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ni Henry Sy, Jr. at ng kanyang mga kaanak sa maagang paglisan ng kanyang anak na si Jan Catherine Sy sa edad na 29.

Si Jan Catherine ay binawian ng buhay last Thursday, March 18 at 6;35 p.m. sa St. Luke’s Global City sa Bonifacio Global City in Taguig dahil sa sepsis.

Si Jan Catherine ay isa sa tatlong anak ni Henry `Big Boy’ Sy, Jr. at apo ng yumaong business tycoon na si Henry Sy, Sr. na sumakabilang-buhay nung January 19, 2019 sa edad na 94.

Nung nabubuhay pa si Jan Catherine ay siya ang tumatayong vice-chairman of SM Group’s SMDC or SM Development Corporation, ang real estate development arm ng SM Prime Holdings. Siya’y nagtapos ng Business and Economics sa Wesmont College in Santa Barbara, California, USA nung 2013 at sa France naman siya nag-aral ng kanyang pagiging isang equestrienne and competed in international competitions.

Bukod sa pagiging isang successful businesswoman at international equestrienne, si Jan Catherine ay isa ring singer at painter. Isa siya sa mga lead vocalists ng WeekDaze Band. Nakatakda rin siyang ikasal sa darating na June pero hindi na nga ito mangyayari.

Gone too soon.

Charo nadagdagan ang apo

MASAYANG-masaya ang dating president-CEO ng ABS-CBN now Chief Content Office and President of ABS-CBN University, award-winning veteran actress at host ng top-rating and longest-running drama anthology, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK) na si Charo Santos-Concio dahil nadagdagan ang kanyang tatlong apo (sa kanyang panganay na anak na si Francis) ng isa pa sa second at bunso niyang anak na si Martin.

May tatlong apo si Charo sa kanyang eldest son na si Francis at wife nitong si Carla – sina Julia, Talia at Basti. Ang pang-apat at pinakabago niyang apo ay si Luca, first child ng mag-asawang Martin at Ystacey na kamakailan lamang isinilang.

“So happy to meet you, Luca! You are a blessing to all of us, indeed a bringer of light, as what your name says. You came at the most perfect time. We love you! Congratulations to my son, Martin@conmartist and daughter-in-law, Ystacey@snowhite. #HappyGrandma,” post ni Charo sa kanyang FB account.

Makati City Pabakuna

Geneva mas naging busy sa pagbabalik

ANG 44-year-old singer-dancer and actress na si Geneva Cruz ay nagmula sa kilalang Cruz clan in showbiz na kinabibilangan din nina Tirso Cruz III, Sheryl Cruz, Sunshine Cruz, Donna Cruz, ang magkapatid na Rayver and Rodjun Cruz, ang magkapatid na Angelina at Samantha Cruz (dalawa sa tatlong anak ni Sunshine Cruz sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano), maging ang yumaong si Ricky Belmonte (Jesse Cruz) at iba pa.

Geneva has a 25-year-old son sa kanyang unang husband na si Paco Arespacochaga, dating miyembro ng Introvoys Band, ang US-based na si Heaven. Ang second child naman ng singer-actress ay si London Cruz (6), anak niya sa kanyang ex-fiance, ang Filipino-Australian na si Lee Paulsen.

For sometime ay namirmihan si Geneva sa Amerika with her two children pero nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas last year para ipagpatuloy dito ang kanyang singing and acting career. Naiwan naman sa US ang kanyang panganay na anak na si Heaven who is now on his own. Sa Amerika rin naka-base si Paco and his family.

Si Heaven ay naging very close sa second ex-husband ni Geneva na si KC Montero na naging father figure niya on his growing up stage. Although matagal nang hiwalay sina Geneva at KC, in touch pa rin sa isa’t isa sina KC at Heaven. KC has since remarried to a Filipino-Kiwi model na si Stephanie Dods. Ang dalawa ay ikinasal sa isang civil wedding rites in Seattle, Washington, USA nung September 9, 2019.

With her 6-year-old daughter na si London as her company, Geneva aims to get busier sa gitna ng pandemya. Napapanood siya on weekends (Saturday-Sunday) sa bagong season local franchise ng impersonation program, ang “Your Face Sounds Familiar” hosted by Luis Manzano kung saan sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at Ogie Alcasid ang tumatayong judges aired on ABS-CBN Channel at iba pang digital formats maging sa TV5 at A2Z Channel 11.

Awitin ng local band na The Juans pasok sa Billboard list

ANG Billboard Magazine, isang American monthly magazine ay itinuturing na `music bible’ ng music industry worldwide dahil dito nalalathala ang mga top singles, top albums (of different music genres) worldwide. Kaya ang mapabilang sa top listings ng Billboard ay isa nang malaking karangalan lalupa’t ito’y dominated ng American, Canadian, Latin America and European music.

Never in their wildest dreams ng all-Filipino members na The Juans band na papasok ang kanilang hit song na “Sirang Plaka” at No. 1 spot sa LyricFind Global Chart ng Billboard kung saan nila kahilera sina Alicia Keys, Justin Bieber, Veras, Yuuri, Daja Cat, Chevelle,Golden Earing at Olivia Rodrigo and Julia Lester at iba pa. Ang kanilang awiting “Silang Plaka” ay unang pumasok on same category sa Billboard at No. 9 nung nakaraang February na agad umakyat sa No. 1 position this month.

Masayang-masaya siyempre ang The Juans and their record label, ang Viva Records sa maituturing na pinakamalaking achievement na nabot ng grupo na binubuo nina Carl Guevarra (isa sa mga original founding member ng grupo), Japs Mendoza, Chael Adriano, RJ Cruz at Joshua Coronel. The limang members, tanging si Joshua lamang ang may asawa sa grupo habang si Carl naman ang tumatayong leader ng band.

All based in Malolos, Bulacan, ang The Juans ay nabuo na may iisang passion, ang kanilang pagmamahal sa musika.

Ang pangalang The Juans ay inspired ng music icons na Juan de la Cruz band in the 70’s na unang nagpakilala ng Pinoy Rock sa Pilipinas. Ang nasabing grupo ay siyang pinagmulan ng music legends na sina Pepe Smith, Mike Hanopol, Wally Gonzales at iba pa.

Bukod sa “Sirang Plaka,” ang The Juans din ang nagpasikat ng iba pang awitin tulad ng “Pangalawang Bitaw,” “Hatid,” “Hindi Tayo Puwede,” “Lumalapit,” “Pag-ibig Lang,” “Darkness Fell,” “Yan Tayo, Eh,” “Istorya,” “Nasayang Lang,” “Atin ang Mundo,” “Magkasama,” “Binibini sa MRT” at iba pa. Meron na rin silang dalawang albums, ang “The Juans” at “Umaga”.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger