Home>Editorial>Opinion>‘Malakas’ sa tanggapan ni Mayor Calixto?

‘Malakas’ sa tanggapan ni Mayor Calixto?

SA ikatlong pagkakataon sa nakaraang tatlong taon, “nawasak” ang gusali ng Pasay City Host Lions Club (PCHLC) na matatagpuan sa Lions Road, Pasay City.

Ang pinakahuling insidente ay noong madaling-araw ng Linggo, Enero 10, 2021, matapos mabagsakan ng ‘crane’ mula sa ginagawang ‘condominium’ na katabi lang ng gusali ng PCHLC.

Bagaman “madalang” tayong makadalo sa pagpupulong ng PCHLC, ‘proud member’ pa rin tayo nito kung saan ang kasalukuyang pangulo ay ang ating kalihim sa National Press Club (NPC) at Remate editor, Lydia Bueno.

Napakaraming proyekto at mga aktibidades na kumakalinga sa mga mahihirap ang PCHLC, mga kabayan.

At sa paulit-ulit na kapabayaan ng kontraktor ng ginagawang condominium, eh, sa ‘repair and rehabilitation’ na lang siguro ng gusali nito mauubos ang pondo ng PCHLC? Ano sa tingin mo, Pasay City Mayor Emmie Calixto?

Hindi ba dapat ‘banned’ na itong ‘Fastconstruct’ at Crown Metro Builders sa ano mang proyekto d’yan sa Pasay dahil isa na silang “panganib” sa ari-arian at buhay ng mga residente ng lungsod?

Sino” ba kaya ang “padrino” ng mga ito sa Pasay City Hall?

***

Binanggit ni Pang. Lydia na unang “nadisgrasya” nitong tambalan, ng Fastconstruct/Crown Metro ang gusali ng PCHLC noong 2018, naulit noong nakaraang taon at ang ikatlong insidente nga ay noon lang Linggo ng madaling araw.

Kung tama naman ang ating pagka-intindi, itong Fastconstruct ang ‘principal contractor’ at ang Crown Metro ang ‘sub-contractor’ sa itinatayong condominium sa “gilid” ng PCHLC.

Makati City Pabakuna

Ang tanong: “Sino” sa kanila ang dapat magbayad sa perwisyong ginagawa nila o pareho lang silang may pananagutan?

Naitanong natin ito dahil sa tatlong insidenteng nabanggit, hanggang ngayon pala, hindi pa rin nababayaran, kahit singkong duling,ang PCHLC!

At siyempre, “patay-malisya” lang umano itong Fastconstruct/Crown Metro habang ang mga alipores naman ni Mayor Emmie sa Pasay Engineering Office, aba’y “wala” rin daw silang alam na may “binitbit” palang ‘crane’ sa ginagawang condominium. Oops! Ang may-ari ng ‘condo,’ hindi pa rin kilala ng PCHLC dahil mukhang kahit sa Pasay City Hall, wala ring may alam?!

At hindi rin nila makumpirma kung “lisensiyado” ba itong Fastconstruct at Crown Metro? Eh, di… wow!

Hmm. Sino naman ang gustong gawing “ogags” nitong mga opisyales ng Pasay? Mayroon ba kayong dapat pagtakpan, mga bosing?

Dahil “anga” lang ang maniniwala na sa taas ng itinatayong condominium d’yan sa Lions Road, wala kayong alam, hehehe.

At sa ginagawa ninyong ‘denial’ eh, hindi malayo sa katotohanan na yang dalawang kontraktor na ‘yan ay malakas sa tanggapan ni Mayor Emmie, korek?

Kung ako naman sa PCHLC, sa harap ng tuloy-tuloy na ginagawa nitong nasabing mga kontraktor na mistulang “nagtuturuan” pa kung sino ang dapat magbayad sa perwisyong paulit-ulit nilang ginagawa, patanggalan na ng lisensiya at ‘accreditation’ sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), kasabay ng pagsasampa ng mga kasong sibil at kriminal sa korte.

At ang mga taga-Pasay City Hall? Eh, di… sa Ombudsman na lang sila magpaliwanag, tapos!

Abangan!

Publication Source :    People's Tonight