Home>News>Provincial>Malasakit at tulungan

Malasakit at tulungan

Antipolo

Matapos umikot sa Lungsod ng Antipolo at ngayong wala nang operational na evacuation center sa lungsod, minarapat ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City na dalhin ang Antipolo Mobile Kitchen sa dalawang evacuation centers sa Montalban, kung saan sinalanta ng Bagyong Ulysses. Bukod sa mga binagyo naroon din ang ilang mga nasunugan. Kamakailan lang sa pangunguna ni dating Rizal Gov. at dating Antipolo City Mayor Jun Ynares ay binisita nitoang mga nasa evacuation center at naghatid ng pagkain sa mga evacuees. Hangad ni Mayor Jun, na isa ring duktor, ang mabuting nutrisyon ng mga evacuees, para mapagaan ang pakiramdam sa kabila ng sinapit bunsod ng bagyo. Para kay Mayor Jun, iisang lalawigan lang ang pinagmumulan ng mga Rizalenyo kayat nararapat na magtulungan at magmalasakit ngayong panahon ng sakuna at nangangailangan.

Makati City Pabakuna