Home>News>Nation>Malinaw na gov’t program para sa PUV drivers hiniling

Malinaw na gov’t program para sa PUV drivers hiniling

HUMIHINGI ng malinaw na paliwanag ang transport group leaders sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) sa tunay na kalagayan ng transport industry sa bansa.

Sa interview, sinabi ni Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon sa Pilipinas (LTOP) na limang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na programang naibigay ang DOTr at LTFRB sa mga drivers ng public utility vehicle lalo na sa hanay ng jeepney.

Ayon kay Marquez, kaisa nito ang iba pang mga transport leaders na nagtatanong kung bakit sa dami ng mga ipinangako ng DOTr at LTFRB para mapabuti ang public transportation wala ni isa sa ang nakita nilang natupad.

Dagdag pa ni Marquez na sa dami rin ng kanilang mga hiling para maayos ang transport industry sa bansa ito ay wala pang naaaksyunan umano ang DOTr at LTFRB.

Makati City Pabakuna

Ayon kay Marquez, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sila ng sagot sa mga sulat na kanilang ipinadala sa DOTR at LTFRB para sa mga programa sa public transportation lalo na sa mga single operator at drivers.

Kaugnay nito, sinigundahan ni Marquez at iba pang transport leaders ang panawagan ni Atty. Vigor Mendoza II, chairman ng Kilusan sa Pagbabago sa Industriya ng Transportasyon (KAPIT) na isama sa mga priority ang mga transport workers sa alok ng gobyerno ng libreng vaccine.

Ayon kay Marquez at iba pang mga transport leaders tama si Mendoza, ang mga transport workers (drivers) ay kabilang sa mga frontliners na dapat bigyan ng libreng vaccine para sa kanilang kaligtasan.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight